Dumaan pa ang ilang linggo, ngunit wala masyadong nangyari, ngayon ay araw ng pagsusulit para sa midterm kaya nitong mga nakaraang araw ay sobrang busy sa pag aaral.
Naging busy din si Sam sa Council, bagama't busy ay nagagawa pa rin niyang sunduin at ihatid ako sa bahay, kumakain sa labas kapag may libreng oras at pupunta sa bahay kapag walang pasok o maglalakad sa parke.
Noo'y hindi ako sanay na hindi siya makasama o makita manlang sa isang araw, pero ngayon tatlong beses nalamang sa isang linggo kami kung magkita maswerte nalang kung may pang apat na beses pa. Unti unti sinasanay ko rin ang sarili.
Naging sekretarya din ako kaya alam ko kung gaano kabusy, lalo pa ay paparating na ang College week baka isang linggo na kaming hindi magkikita. nakakalungkot.
Kakatapos lang ng klase namin kay Mr.Cruz, lunch na kaya napag isipan naming pumunta sa canteen. Naisip ko bago magpunta sa canteen ay daanan si Sam sa Council Room, para ibigay sa kanya tong lunch bag na si Mama mismo ang nag prepare.
Nasa hallway pa lamang ay sobra na ang aking ngiti matagal tagal ko na din hindi nakikita si Sam, nang makarating sa room ay unti unti kong binuksan ng pinto, doon pa lamang ay narinig ko nang may nag uusap sa loob, pasilip akong sumulyap sa gawi ng conference room, ganun na lamang kabilis ang pag iba ng aking mukha ng makita kung gaano siya katutok sa mga papel na hawak niya, kasalukuyan kasi niya kaharap si Miss Eliz na katabi si Ashley na busy sa pagsusulat. Mahahalatang seryoso ang kanilang paguusap
Malaki ang Council room, pagpasok mo bubungad sayo ang maliit na sala at sa gitna ay naroon ang lamesa ng presidente, may mahabang couch sa gilid at sa bandang likod ay conference room na natatakpan ng kurtina, iyon ang magiging division.
Naisip kong iwan na lamang ang lunch bag sa table niya, umalis ako sa silid ng tahimik at ni walang ingay na nagawa. Pagawi na ako sa canteen nang makita sa lobby si Sophie kasama si Vivian.
"Lunch na ba't andito kayo?" pagtatanong ko nang makalapit sa kanila.
"Inaantay namin si Erika pumunta lang saglit sa Cr."
"Antayin ko na kayo sabay na Tayo sa canteen"
Nang makarating ay dumiretso na kami sa canteen, wala na masyadong tao 'non 30 minutes nalang kasi ay magsisimula na ang pang hapong klase.
"Why so tagal?" mataray na sambit ni Audrey, siya lang kasi mag-isa.
"Inantay ko sila"
"Bakla kayo, trenta minuto nalang oh"
Nagsimula kami sa pagkain, sobrang bilis lang 'non at nagmamadali nang pumunta sa kanya kanyang klase.
Sobrang tagal ng oras ng hapong iyon, lahat na nang pwedeng magawa ay nagawa ko na, lahat na nang pwedeng mapag usapan ay napag usapan na namin ni Audrey, pati buhay ng may buhay napag usapan na 'rin.
"Kamusta naman si Sam, tagal ko nang hindi nakikita yun ah." pagtatanong niya.
"Busy siya"
"Alam ko, wala nang oras sayo?"
"Grabe ka, parang dati wala akong time gumimik kasama ka kasi busy."
"Baka busy sa iba"
Nagtataka akong nilingon siya, hindi ko malaman kung kaibigan ko pa ba 'to o ewan eh "What do you mean."
"Hmm wala naman."
"Alam mo ikaw, matagal na kong may nararamdaman sayo."

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.