Chapter Twenty-two

7 0 0
                                    

Dumaan ang ilang linggo na sobrang busy nang lahat huling araw ngayon nang final exam at masasabi kong nakakadurog nang utak ito sapagkat puro major subject ang mga exams ngayon.

Animo'y hindi kami magkakilala ni Audrey, kahit sa pagkain ay hindi kami nag-uusap tutok ang bawat isa sa pag-rereview. Kahit si Sam ay ilang araw ko nang hindi nakikita't nakakasama masyado din siyang tutok lalo pa't darating na ang sembreak at babalik nanaman siya sa pagiging busy dahil dalawang linggo nalang at College week na.

Natapos ang araw na ito na sobrang pagod, hindi lang ang buong katawan ko kundi mentally drain dahil sa madugong exams.

"Madison." pagtawag sakin ni Mama pagkapasok ko sa gate.

Busy man ay hinatid ako ni Sam hanggang bahay, pero hindi na 'rin siya dumaan pa sa bahay dahil pagod siya halos lahat kami pagod kaya naiintindihan ko 'yon.

"Ma." sambit ko, nang makalapit ay dinampian siya nang halik sa pisngi.

"Nariyan ang Tita Bea at Tito Francis mo." naka ngiti niyang sambit sabay haplos saking  pisngi.

Karipas na takbo akong pumasok paloob nang bahay at agad niyakap nang mahigpit si Tita at Tito Francis.

Si Tita Beatrice ang kababatang kapatid ni Mama na siyang nag-alaga saakin nung bata pa ako at asawa naman niya si Tito Francis.

"Tita, Tito." magiliw kong tugon sabay ang mahigpit na pagyakap.

Sa sobrang tuwa ko nang makita sila ay agad silang tumayo upang mayakap rin ako pabalik "Sobrang laki mo na Madison." ani ni Tita

"Syempre po ikaw ata ang nag alaga sakin."

Muli ko siya niyakap nang mahigpit
"Akala ko po ba sa December pa ang uwi ninyo."

"Napa-aga anak." si Mama ang sumagot.

Tinignan ko si Mama at Papa na no'oy magkatabing nakaupo sa couch habang may hawak na wine glass.

"May okasyon po ba kaya maagang umuwi sila?"

"Nako Madison, sa sobrang busy mo hindi mo na alam na nagtayo ng business ang mga magulang mo." pabirong aniya ni Tito Francis.

Sa sandaling iyon muling nanumbalik saaking isipan yung mga panahong busy ang mga magulang ko, halos isang linggo sila laging wala sa bahay para sa mga business trip sa ibang bansa, late na din kung umuwi ng bahay, nasabi na rin naman ni Mama ang tungkol dito pero tapos na pala ang lahat.

"Sobrang busy sa school Tito." malungkot ma'y aliw akong naupo sa tabi ni Mama.

"Sa susunod na linggo na ang Ribbon cutting anak." ani ni Papa

"Really! ako lang pala ang huli sa balita."

"Suprise nga iyon Madi." ani ni Tito

"Magbihis kana anak." ani ni Mama "May Family dinner tayo."

Napangiti ako at agad na tumayo upang dumiretso sa kuarto, minuto pa ang lumipas bago ako naligo. Nang matapos ay agad dumiretso sa wardrobe cabinet, isa-isa kung sinuri ang mga damit na naroon. Peach color dress ang napili ko, hapit iyon hanggang tuhod, pinares ko iyong light brown flat suede sandals ko, naglagay nang kolorete sa mukha, tanging mascara, blush on at liptint lang dahil pamilya ko naman ang kasama ko, at ang huli ay ang mahaba kong buhok, kinulot ko iyon para mas bumagay sakin. Bago bumaba ay sinuri ko ang aking kabuuan sa salamin. Perfect

"You look gorgeous Madi." lahat nang mata'y nasa akin, ilang hakbang palang ay agad akong sinundo ni Tito Francis, sabay lahad sakin nang kanyang kamay na animo'y bumababang prinsesa sa fairytale na kailangan pang sunduin at alalayan.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now