Chapter Three

24 2 0
                                    

Kinaumagahan ay sabay kami pumasok ni Audrey sa school, doon na sila natulog ni Sophie dahil sa sobrang kalasingan.

"Grrr, Madi gusto ko nalang umuwi. Sobrang sakit ng ulo ko." sambit niya habang hawak ang ulo niya.

Natatawa ko siyang nilingon. "Alak pa. Iniwan lang kita saglit para puntahan si Sam pero nagpaka lunod kana sa alak."

"Eh sa antagal niyong dalawa sa labas." pagsusumamo niya.

"Okay, sorry pwede? nag usap lang naman kami sorry kung natagalan." pagpapaliwanag ko.

"Seryoso tila sasabog sa sobrang sakit." aniya. At mas nagulat pa ako nang tumayo siya at lumabas ng room.

"Uy! Chavez, san ka pupunta?. sigaw na tugon ko.

Hindi ko na siya nagawang sundan pa dahil ang saktong paglabas niya sa ay siya namang pag pasok ni Miss Eliz. Agad na nag ayos ng upo ang lahat, nagsimula siya sa pagtuturo ngunit ang isip ko ay nakay Audrey. nasaan na kaya yun!

"Okay class. Next meeting may module kayong sasagutan about sa topic natin today, that's all for today. Goodbye. pag papaalam ni Miss Eliz at tuluyan ng lumabas.

Nangmakalabas ay yun naman ang pag pasok ni Audrey."Hoy, san ka galing? absent ka tuloy sa attendance."

"Cr, nagtawag ng uwak." sambit niya.

"May natawag ka ba? parang humihina kana sa alak Aud, kailangan na nating dalasan ang pag night out para lumakas ulit ang tatag mo sa alak." sambit ko.

"Haler, iniwan mo ko sa kalagitnaan ng pag lalasing ni Sophie, kaya nag inom nalang din ako tsk." nang gigigil aniya.

natatawa ko siyang nilingon, tinapik ang kanyang likod."Sorry na okay, next time di na kita iiwan."

Hindi na siya sumagot pa at iniyuko nalang ang ulo sa lamesa ng upuan at natulog. Pero sa huli ay napag desisyonan nalang niyang umuwi dahil hindi na niya kaya pa ang hangover niya. Sa madaling salita ay mag-isa nalang ako.

Lunch time na pero wala akong ganang kumain. Hindi lang naman ito ang unang beses na lumiban ng klase si Audrey dahil sa alak madaming beses na pero nakaramdam ako ng lungkot at pag iisa. Sa sandaling iyon sumagi saking isipan kung paano nalang kapag aalis na siya pa Amerika mas matinding lungkot pa ba ang mararamdaman ko?.

Mag-isa kong tinatanaw ang ang soccer field ng school, kasalukuyan kong pinapanuod ang mga estudyanteng naglalaro ng doon.

Bumalik ako sa ulirat nang maramdaman ang pag tama ng bola saking paa, napataas ako ng ulo ng may isang lalaking lumapit para kunin ang bola. "Sorry, nasaktan ka ba? pagtatanong ng niya.

"Hindi okay lang ako." tumayo ako at napag isipang pumunta na sa susunod kong klase. Ako na ang umiwas para di na humaba ang usapan.

Pero laking gulat ko nang makita si Sam na patakbong papalapit sakin at may hawak na puting plastic.

"Babe! san ka ba galing? nagpunta ako sa room mo para sabay tayo kumain. Kanina pa kita tinatawagan, wala ka din sa canteen." malungkot niyang sambit.

"Sorry babe, nagpahangin ako sa soccer field. Nasa bag ko yung phone hindi na kita natawagan pa alam kong busy ka." pagpapaliwanag ko.

Nakangiti niyang hinaplos ang aking pisngi "Sus. Prelim palang naman eh kaya easy pa, tara kain na tayo. Alam kong umuwi na si Aud nakita ko siya kanina palabas ng campus kaya hinanap kita para sabay tayo mag lunch."

Lost In LoveWhere stories live. Discover now