Chapter Eleven

7 2 0
                                    

Bago makarating sa kuarto ay nilingon ko ang aking mga magulang, gumuguhit sa kanilang mga labi ang saya, sa kabilang banda ay nasisiyahan din ako sa simpleng surpresa na aking inihanda.

"Salamat" ngiting sambit ko habang nakatingin sa dalawa.

No'oy nasa kuarto na kami at naglalaro ng Uno Cards, ang paboritong laro nang mag pinsan dahil lagi silang talo samin ni Sam.

"Wala yon bakla, tara wine" pagtugon ni Audrey.

"Sige kukuha ako." pagsang ayon ni Sam, dali dali siyang tumayo at lumabas ng kuarto..

"Uy Madison, seryoso bang wala kang natatandaan sa Nightshift nung panahong nagsuka ka?"

Taka taka ko siyang nilingon "Hoy Chavez !bat ba hindi matigil yang bibig mo sa pagtatanong ha, sa cr ako ako sumuka"

"Lasing nga to"

"Oo lasing at wala na sa tamang pag iisip pero alam ko pa ginagawa ko nun, pumunta ako sa cr para umihi, inalalayan ako ni Vivian hanggang sa matapos at bumalik ulit para magsuka. Ano tatanong kapa?"

"Ay! sira na ulo mo no' sa tagal na natin gumigimik mas malala ka kapag lasing."

"Ba't ba kasi hindi mo nalang ako diretsuhin, napakarami mong sinasabi." kunot noo'ng pagsabi ko sa kaniya.

"Hindi ka sa cr nagsuka, siraulo mo!!" pagdidiin sa huling sinabi "At hindi ka umabot sa cr para magsuka."

"Let's Drink"  hawak ni Sam ang bote ng White Wine na tila'y sinasayaw sa ere.

Muli ko binalik ang tingin kay Audrey at nanlilisik ang mga matang pabalik sa'akin. Seryoso ba talaga siya? Si vivian ang kasama ko nung oras na iyon.
Inalis sa isipan ang pinag usapan namin ni Audrey.

"Babe, anong plano mo sa birthday mo" pagtatanong ko habang ang mata'y nakatuon sa Uno cards.

"Dating gawi babe." ang tinutukoy niya ay ang mag sleep over sa kanila kasama ang barkada at sasalubungin ang kanyang kaarawan.

"Anong theme naman ang gusto mo this time?" ani ko

"Cowboy babe." aniya at tatawa tawa pa.

"Mukhang maganda yang theme mo gusto ko yan, feeling ko masisiyahan ang mga Tito at Tita niyan." ani ni Audrey at sabay 'nun ay ang pagbaba ng +4 na card.

"Walangya Aud, kanina ko pa napapansin ah, may galit ka ba sakin? at panay ipon mo ng +4  at sakin mo ibabato." pag aalburotong aniya

"Hahahaha sayo kasi natataon, magbaba ka ng reverse para kay Madi naman mapunta."

"Subukan mo lang babe" pananakot ko.

Natapos ang laro, sa huli'y talo pa'rin si Audrey at dahil katuwaan lang ay may pustahan 'yon, Sine ang kapalit.

Sabay sabay kaming nahiga sa kama nang matapos ang laro, ramdam ang pagod. Naghalfbath na ako at dumiretso na sa kama nakita ko nalamang si Audrey na nakatulog na, habang si Sam ay nasa sofa at nagbabasa ng libro.

"Gabi na babe, ipagpabukas mo nalang yan." lumapit ako sa kanya at kinapa ang pisngi.

Umakma siyang tatayo, binitawan ang hawak na libro at niyakap ang pareho kong baywang.

"Can I kiss you hard?" gulat kong napaangat ng paningin sa kanya.

Sasagot na sana ako pero huli na, nasapo na niya ang buo kung labi, mariin ngunit dahan dahan mararamdaman mo ang pananabik ng pagmamahal. Naalis saking mga labi ang kanyang halik napunta iyon saking pisngi hanggang sa marating ang aking taenga, 'don nanghina ako lumambot ang aking mga tunod na para bang ano mang oras ay mapapaupo ako.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now