Chapter Four

24 2 0
                                    

Normal lamang ang mga sumunod na araw, pumapasok kami ni Audrey at naupo kami sa dulong bahagi ng classroom. Nag lulunch sa canteen kasama si Sam, gumagala sa mall after school o gumigimik sa Bar kapag napag tripan.

Ngayong araw ay naghahanda kami sa pamimigay ng flyers sapagkat botohan na bukas para sa HRM COUNCIL, ang target namin ay ang mga estudyante lang din ng HRM. Gaya ng nakagawian ako at si Sam sa Plaridel Hall at si Audrey sa Rizal Hall kasama niya si Sophie para tumulong mamigay ng flyers.

Tulad sa nakaraang taon ang posisyong Presidente pa'rin ang tatakbuhin ni Sam at posisyong Sekretarya naman ang akin.

Magaan ang trabaho kapag magkasama kami sapagkat iisa lang parati ang nasa isip namin. Katulad nalamang kapag may upcoming events sa Department namin mas madali at mas magaan naming nagagampanan ang gawain.

Sa posisyong Presidente ay tatlong ang tatakbong kandidato. Si Carlo Manisig mula sa Second year, Sam Clifford mula sa Third year at Ricky Enriquez mula sa Fourth year. Ganun din sa posisyong sekretarya tatlo din kaming maglalaban, Ashley Brend mula sa Second year, Madison Blake mula sa Third year at Angelica Dayag mula sa Fourth year.

Nasa canteen kami ngayon at kasalukuyang kumakain nang biglang dumating si Sophie may kasamang siyang dalawang babae, umupo sila sa tabi ni Audrey na kaharap kami ni Sam.

"Kumain na kayo?" tugon ko.

"Yes Madi tapos na, wala na kaming klase kaya dito na kami dumiretso. Tutulong kami sa inyo mamigay ng flyers." nakangiting sambit niya. "Tyaka nga pala si Vivian at Erika classmate ko, sinama ko na sila para maaga tayong matapos." pagpapaliwanag niya.

"Salamat Sophie, malaking tulong yan." nakangiting tugon ni Sam.

Pinagpatuloy namin ang pagkain at nang matapos ay nagpahinga saglit. Nang hapong iyon ay wala na kaming klase. Binigay iyon bilang free time ni Miss Eliz na siyang kasalukuyang Department Head ng HRM. Yun lang ang oras para sa pamimigay ng flyers.

Naghanda na kami at nagtungo sa kanyang kanyang area namin.Naging madali lamang samin ni Sam ang pamimigay dahil karamihan sa mga binigyan namin ay kilala na kami, Kung baga luma na ang mukha namin sa eskwelahang ito dahil every year tuwing eleksyon ng HRM Council ay puro mukha namin ni Sam ang nakapaskil, kapag may event naman ay isa kami sa mga organizer kaya di iyon naging mahirap para sa amin.

"Uy tignan mo si Sam oh, ang guapo niya talaga. Pero balita ko ay malakas sa masa ang kalaban iyang si Ricky at malakas ang karisma sa mga babae." pagkwento ng isang babaeng dumaan. "Pero mas bet ko si Sam, panigurado siya ang mananalo kasi alam naman natin na hands-on siya sa pamumuno." dagdag ng kasama.

Heto yung nakakainis sa lahat yung pag chismisan ka na akala nila di mo naririnig, haler! andito lang yung girlfriend oh.

Sa inis ko ay nilapitan ko sila upang bigyan ng flyers. "Hellow mga ate, boto niyo po kami. Salamat po." nakangiting iniabot iyon at ngiti tinalikuran sila.

Kinuha naman nila at naglakad nang paalis. Napag isip kong tumigil muna sa pamimigay at uminom ng tubig saglit, nang matapos ay lumapit ako kay Sam para iabot din sa kanya ang bote ng mineral water.

"Babe, inom na muna." inabot ko sa kanya ang bote at agad naman niya iyon ininom. "Konti nalang tong akin babe, magdidikit din ako sa bulletin board para mas kita ng ibang estudyante." pagpapatuloy ko.

Nang matapos uminom ay agad siyang tumingin sakin "Babe, mukhang di ako ang mananalo ngayong taon." malungkot na sambit niya "Ang lahat ng dumadaan ay iyong Ricky ang kanilang binabanggit." pagpapatuloy niya napanghihinaan ng loob.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now