Naupo siya sa tabi ko, sumandal at pina-dekuatro ang mga paa. Talagang hindi pinalagpas ang tsokolateng hawak niya.
"Did you know that chocolates makes you feel good?" aniyang pagbabasag nang katahimikan.
"But it can also weight gain."
"Kung aaraw arawin mo, well Yes." bwelta niya "Try this, baka sakaling mag iba na mood mo."
Binuksan niya ang isang balot nang Chocolate Bar at inabot ito sakin "Ayoko, salamat."
Sa huli'y siya rin ang kumain 'nun, tulad nang dati ay tinignan ko lang siya kumain, kung paano siya katakam sa kinakain niya.
"Matutunaw nanaman ako 'nyan." aniya.
"Pssh." sadyang nilakasan ko para malaman niyang naasar ako sa sinabi niya. "Papasok na ako." agad din akong tumayo at iniwan siya.
Nasa dugo nang mag pinsan na ito ang pagiging mayabang, hindi ko pa'n lubos na kilala ay alam ko na sa bawat kilos pa lamang nila.
Nahinto ako sa paglalakad nang makita ang isang divider na pulos mga litrato ang nakalagay, iba't ibang laki nang photo frame ang naroon, ngunit napukaw ang aking atensyon sa isang picture frame na si Julius at Zaiden ang naroon. Malawak ang ngiti sa kanilang mga labi at pawang naka-akbay sa isa't isa. Minasid ko lahat nang naroon, ngunit mas pinakatitigan ko ang huling litratong naroon, litrato iyon ni Zaiden at nang isang babae, kuha iyon sa dalampasigan at sa litrato ay may hawak si Zaiden na Giant Crab at ang kasama naman niyang babae ay Star Fish ang hawak.
"Madi." pagtawag ni Audrey sakin.
Gulat ko siyang nilingon "Anjan ka pala."
"Tara Nightshift tayo." sambit niya.
Madali akong nagpunta sa sofa upang kuhain ang gamit ko "Kayo nalang muna siguro." walang gana kong sambit.
Ang totoo'y nawalan ako nang gana sapagkat nalulungkot ako sa kadahilanang hindi pa ako tinatawagan ni Sam, kahit ang hanapin manlang ako kay Audrey ay hindi niya nagawa.
"Nako! love sick, kaya ganyan."
"Pagod lang Audrey." sabay kuha sa gamit ko "Mauna na ako sayo, tawagan mo ako kung may emergency." dali dali ko rin iyang tinalikuran at iniwan sa sala.
Dahil sa dalawang kanto lang ang layo nang aming bahay ay nilakad ko nalang ito, hindi ko mapigilan mag isip nang kung ano ano, hindi ko mapigilang masaktan sa mga nangyayari ngayon, at mas lalong hindi ko kayang magsaya.
Sa bawat bato na nakikita ko ay sinisipa ko ito, hanggang sa makarating sa bahay ay malamya ako kahit si Tita Beatrice na binati't hinalikan ako ay hindi ko naramdaman tanging pag ngiti lang nang pilit ang naisukli ko.
Dumiretso ako sa kuarto, agad binaba ang gamit at nagtungo sa bathroom. Sinadya kong punuin nang tubig ang bathtub at inubos ang bathsoup para mas bumula ito.
Pagtapos ay nagtungo ako sa harap mang salamin, inipit ko nang buo ang buhok ko at hinubad lahat nang suot ko kasabay nang pag lubog ko sa maligamgam na tubig nang bathtub. Sadyang nakakawala nang pagod ang sandaling iyon.
Isinandal ko ang aking ulo, ipinikit ang aking mata at muling tinanaw ang huling ganapan saamin ni Sam. Nasasaktan ako sa katotohanang ngayon lamang ito nangyari sa pagitan naming dalawa, na kahit minsa'y hindi niya akong hinahayaang magalit sa kanya.
"Madi anak." gulat akong bumalikwas nang upo nang bumukas ang pinto nang banyo kasunod ang pagpasok ni Mama "Dinner is ready anak."
"Tatapusin ko lang po ang pagligo Ma."

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.