Mabilis pumasok si Sam sa loob upang mayakap ang mga magulang nito, kahit ako ay nasurpresa nang makita sila Tita Viel at Tito Arthur na masayang kumakain kasama ang pamilya ko.
"Kailan pa po kayo narito? bakit hindi ko alam na uuwi kayo?" nagtatakang tanong ni Sam.
"Kanina lang anak, minabuti naming hindi ipaalam sayo para isurpresa ka." ani ni Tita Viel.
Ako man ay hindi rin nakagalaw agad sa nakita kaya sinundo pa ako ni Sam mula sa pintuan upang makarating sa gawi ng lamesa "Hellow po." pagbati ko sabay ang pag mano at yakap ko sa mga ito, ganun din sa mga magulang ko.
"Bakit napaaga ata ang uwi ninyo dad?" ani ni Sam
"Bukas na ang Grand opening nang Restaurant ni Denis." agad na turo niya kay Papa "Hindi maaring wala ako sa importanteng araw na iyon hijo."
Natatawang tinapik ni Papa si Tito Arthur "Tama ka riyan hindi rin naman ako papayag na wala ang matalik kong kaibigan sa araw na iyon, hanggat maari ay ipopospone ko pag wala si Arturo, Sam."
Simula pagkabata ay matalik na magkaibigan na ang mga magulang namin ni Sam, hanggang sa paglaki ay hindi nila kinalimutan ang isa't isa 'yon nga lang mas pinili nang mga magulang ni Sam ang manirahan sa ibang bansa sapagkat naroon ang kanilang business, kaya taon na kung umuwi ito sa pinas.
Maya maya lamang ay isa isa nang pinasok nang mga staff ang pagkain, talagang nakakagutom ang mga iyon kung titignan mo palamang sapagkat sa presentasyon pa lamang ay nakakatakam na, natuon ang aking atensyon sa Sushi at California Maki na nakahain sa aking harap talagang hindi ko iyon pinalagpas. Kahit ang pakikinig sa usapan nila ay hindi ko na nagawa dahil usapang negosyo nanaman iyon.
"Babe, gusto mo bang umorder pa tayo nag sushi." tugon ni Sam, napansin niya siguro na ako nga lang ata ang nakaubos niyon.
"Hehe pwede ba babe? ang sarap kasi eh." agad naman niyang tinawag ang isang staff at umorder nang isa pang set.
Kahit ang mga magulang ko ay hindi makapaniwala sa inasal ko, grabe ang kagutuman ko basta heto ang nakahain sa aking harap. Kahit ang isang set na inorder ni babe ay ako lang din ang nakaubos siguro alam nilang paborito ko kaya pinaubaya na nila sakin. Sa huli'y hawak ko ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.
Sandali pa kami nagtagal sa restaurant na iyon para magpahinga at magkwentuhan, matapos ay nagpaalam na rin kami sa isa't isa sapagkat may kailangan pang puntahan sila Tito Arthur.
"I call you later babe, I love you." paalam ni Sam bago makalabas sa restaurant, tango nalamang ang naisagot ko.
"Madison, come magshopping tayo." pagyaya saakin ni tita Beatrice.
"Nako anak sakin ka sumama." pagmamatigas ni Mama, ayan nanaman sila at mag aaway nanaman kaya sa halip na pumili sa isa sa kanila ay inakay ko silang dalawa at pumagitna habang nakakapit ang pareho kung braso sa braso nila. Humiwalay naman nang lakad saamin sina Papa at Tito Francis sapagkat ayaw nilang maboring alam at kilala na kasi nila ang mga babae kapag nasa mall, mabuti nalang daw at kasama ako para pagtanungan nila nang kung ano ano.
"Tara na po mag shopping na tayo." dinala at hila hila ko sila sa lahat nang botique na pasukan ko miski sa stuff toys na nadaanan namin ay hindi ko pinalagpas.
"Ma look may limited edition sila nang favorite perfume mo." dali dali namang punta ni Mama at kinausap ang sales lady kahit si Tita Beatrice ay nakihalubilo rin.
Nang matapos sa mga pabango ay hinila naman ako ni Mama sa isang accesories kung saan lahat nang bracelet, earings at rings ay pinagsusuot niya kapag alam niyang bagay at nagustuhan niya ay bibilhin niya ito.

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.