Chapter Nine

5 2 0
                                    

"Vivian" tumayo ako upang yakapin siya. "Dito ka pala nagtatrabaho"
Lumapit siya at niyakap ako pabalik.

"Mahigit anim na buwan na din Madi."

Heto pala ang sideline na sinasabi ni Sophie kaya hindi siya nakapunta sa sleep over, pero madalas kami narito ba't hindi ko siya madalas makita?

Kinuha niya ang order namin, nang makabalik ay dala na ang isang bucket ng alak at pulutan na inorder namin.

"Join us" pag-aya ni Sam

"Nako hindi,siguro mamaya kapag maaga ako natapos sa trabaho. Tawagin nyo lang ako kapag may kailangan kayo. Enjoy."

"Salamat." sabay sabay naming sabi

Nagsimula kaming uminom at nagkwentuhan. Nagsimula na din tumugtog ang banda sa unahan samo't sari ang kantang pinapatugtog.

"Kamusta naman ang bago mong sekretarya Sam." pagtatanong ni Audrey habang kumukuha ng pulutan

"I think she's good."

"Alam mo bang hindi ko gusto ang aura nung babaeng 'yon." huminga ng malalim "May kung ano sa kinikilos niya na hindi ko gusto,pero hindi ko alam kung ano 'yon." dagdag ni Audrey.

"Hmm, hindi ko naman pinapansain ang galaw niya ang mahalaga masulat niya ang mga mahahalagang impormasyon na kailangan ko kapag may meeting kami." sinserong sagot ni Sam

Nang usapan na iyon ay nakaramdam ako ng lungkot pero kalaunan ay tinanggal ko rin sa isipin.

Pinagpatuloy namin ang ganung gawain  nakakailang order na din kami ng alak, liliyo liyo na sa ika limang bucket ng alak at ayon na si Audrey at nagsasasayaw sa gitna inaalalayan naman siya ni Sam at ng iba pang Bouncer 'don, kilala na kami rito sa bar sapagkat madalas kami rito kaya saulado na nila ang galawang Audrey Chavez. Nang mapagod ay bumalik na sa upuan muling uminom ng alak.

"Speaking of the devil, diba si Ashley 'yon?" tinuro niya ang likurang bahagi ng  bar at totoo nga't nandun si Ashley kasama ng iba pang lalaki.

Nang mapansin na nakatingin kami sa gawi niya ay agad itong kumaway at lumapit sa table namin. Nakasuot siya ng black dress na fitted hapit iyon na hindi lamang umabot sa kanyang tuhod, nakasuot ng three inches high heels at kendeng kendeng na naglalakad.

"Hi guys andito pala kayo. Hmm, Ashley Brent nga pala but you can call me Ash." inilahad niya ang kamay sakin ganun din kay Audrey. Agad naman kaming nakipag kamay sa kanya.

"Pres, hindi mo nabanggit na pupunta ka pala dito" nakay Sam ang kanyang tingin at inaantay ang sagot nito.

Pres?

"Audrey Chaves kaibigan ko at Madison Blake girlfriend ko." pagpapakilala samin ni Sam
"Hindi naman pati ang pag punta ko dito ay kailangan mong malaman, labas ang trabaho natin dito at isa pa wala na rin tayo sa campus." inis siyang nilingon ni Sam

"Tsk sungit!" humaba ang nguso niya "Sige babalik na ako sa table namin, nice meeting you. samin ang tingin ni Audrey "Have fun guys."

Tumango lang ako bilang sagot, tama ba ang nakikita ko? Second year college palamang si Ashley pero kung umasta sya'y parang bihasa na 'sya sa ganitong gawain napaka wild kung titignan.

"Sabi ko sa inyo eh, may aura siyang hindi ko gusto." sambit ni Audrey habang nakatingin sa baso.

Hindi namin ito pinansin, inalis sa isipin si Ashley at pinagpatuloy ang pag kukwentuhan. Maya maya ay umalis si Audrey pumunta sa gilid ng stage at kinausap ang isang babae, nasisigurado ko gusto niya kumanta dahil sa ganung asta.

Tama nga ang hinala ko. Aakto na siyang aakyat sa stage at magsisimula nang kumanta.

--
Late at night when all the world sleeping, I stay up and think of you
And I wish on the star. That somewhere you are thinking of me too

Cause I'm dreaming of you tonight
Ti'll tomorrow I'll be holding you tight
And there's nowhere in the world I'd rather be than here in my room dreaming about you and me

Talagang walang kasing ganda sa pandinig ang boses ni Audrey, nangibabaw yun sa buong bar. Halos lahat ay napatigil sa ginagawa, lahat ng mata'y nakatutok sa kanya.

Habang nakatingin sa unahan ay biglang hinawakan ni Sam ang aking kamay, hindi niya ako nilingon at tutok lamang ang paningin kay Audrey, napangiti akong muling lumingon sa stage.

Wonder if you ever see me and I wonder if you know I'm there
If you looked in my eyes, would you see what's inside would you even care.

I just wanna hold you close but so far,
All I have are dreams of you
So I wait for the day, and the courage to say how much I love you. Yes I do

I'll be dreaming of you tonight till tomorrow, I'll be holding you tight
and there's nowhere in this world I'd rather be.

Than here in my room dreaming about you and me.
Late at night when all the world sleeping.
I stay up and think of you and I still can't believe that you came up to me and said I love you

I love you too
Now, Im dreaming with you tonight till tomorrow and for all of my life
And there's nowhere in the world I'd rather be than here in my room, dreaming with you endlessly.

With you tonight
And there's nowhere in the world I'd rather be than here in my room

I'll be dreaming of you tonight endlessly and I'll be holding you tight.
Dreaming with you tonight endlessly.
--

Nagpalakpakan ang lahat kasabay ang pagsigaw ng "more" ngumiti lang si Audrey, ibinigay ang mikropono sa babae at bumalik sa table namin

"Uy isa pa, hindi ka pa lasing kasi matino pa lyrics mo." birong sambit ko.

Tinapik niya ako sa braso at tinungga ang baso. Nagpaalam ako para sabihin na pupunta ako sa restroom, sa pagtayo ko dun ko naramdaman ang hilo gewang gewang kong nilakad ang daan, nagulat ako nang may humawak sa braso ko si Vivian inalalayan niya ako hanggang sa restroom at inantay ako matapos.

"Salamat, kaya ko na pabalik" sabi ko nang makalabas ng pinto

"Sure ka? wag kana uminom ha lasing kana." nag aalalang sambit niya

Ngiti lamang ang tugon ko at naglakad na pabalik, ngunit hindi pa ako nangangalahati sa paglalakad ng maramdamang masusuka ako, gagawi na muli ako pabalik sa restroom ngunit nahihilo at sukang suka na.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Nakita ko nalamang ang sarili ko sa loob ng sasakyan, nilingon si Sam na no'oy nagmamaneho. Hindi na ako nagsalita pa hinayaan nalamang.

Ramdam ko na ang lambot ng higaan, nasa kuarto na ako at hindi ko na alam kung paano ako nakapunta dito sadyang wala na akong pakiramdam.

"Babe, wake up! uminom ka muna ng tubig."

Hindi ko talaga kayang tumayo, hanggang sa maramdaman kung iniupo niya ako para makainom ng tubig, pinilit kong uminom,  nang matapos ay muli akong hiniga.

"Tita, sorry po kung nalasing si Audrey."

"Okay lang hijo, basta kasama ka kampante akong makakauwi siya ng ligtas. Salamat."

"Sige po mauna na po ako Tita."

Alam kong may nag uusap sa gilid ko pero wala na talaga ako sa ulirat para pakinggan pa 'yon, mas minabuti konang pumikit. Naramdaman ko nalamang na pinapalitan ako ng damit ni Mama hinayaan kong gawin niya iyon sapagkat maamoy din sakin ang suka. Nahihiya ako sa sarili ko ba't kailangan maging ganito ako sa harap ng magulang ko.

Patay ka bukas Madi, ihanda mona ang tainga mo.

Nang natapos nilagyan ako ng kumot, pinatay ang ilaw at hinayaan akong matulog, ramdam ko ang kabusugan dahil sa alak inayos ko ang pagkakahiga at tuluyan ng natulog.

To be continued...

Lost In LoveWhere stories live. Discover now