Umupo ako sa tabi ni Audrey, malinaw saking mga mata kung sino ang nasa harap ko, walang duda siya yung lalaki sa soccer field, sa tapat ng bulletin board at yung lalaking nabangga ko nung panahon tulala ako.
Naka yuko siya, nakatingin sa hawak na baso na no'oy may laman na alak. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa'kin, matagal na pagkakatitig na para ba'y pinag aaralan ang aking mukha.
"Zaiden" pagpapakilala niya, tinuwid ang mga braso upang makipag kamay.
Agad ko namang kinamayan iyon, ngiti lang ang tanging nasagot ko sapagkat wala ako paki kung sino 'man siya.
"Bakit ang tagal mo? nakatulog ka no'". lumingon sakin si Audrey.
"Sorry"
"Okay lang, ang mahalaga andito ka na" ngumiti siya sabay kuha ng baso at nilagyan ng yelo at alak sabay abot samin ni Erika.
"Nasaan si Sophie?" pagtatanong ko habang palingon lingon sa paligid.
"Nag cr lang siya. pero napakatagal niya." sambit ni Audrey
"Exuse me" tumingin siya saming tatlo, bago tuluyang umalis.
"Aud, kilala mo ba yun? bakit kasama natin sa table?" pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Madi, ikaw ang mas nakaka kilala sa kanya ano ka ba!" patingin akong lumingon sa kanya "Remember?"
"Aud, sa school ko lang siya na meet at never ko pa siyang nakausap."
"Ngayon kilalanin mo na." hinagod niya ang likod ko
Sa sandaling iyon ay inisip ko kung ano nga ba ang meron 'don sa Zaiden na yun, kahit minsan nama'y hindi ko siya nakausap. Oo nabangga ko siya sa field nag sorry ako pero 'yun lamang iyon. Ngayon nagtataka ako sa sinabi ni Audrey na ako ang mas nakaka kilala kay Zaiden.
Pinagpatuloy pa namin ang kasiyahan hanggang sa malunod sa alak, nag uusap, nag tatawanan, sumasayaw sa bawat oras na dumaraan.
Si Audrey ay panay kanta na sa unahan, ganun nalang kung agawin ang mikropono para kumanta, maya't maya din ang punta ni Vivian sa table namin para tignan kung may kailangan kami samantalang si Sophie at Erika ay busy sa pag uusap.
Naka upo lang ako sa upuan habang umiinom hinahayaan ko ang mga kasama ko magsaya, hindi ako pwedeng malasing dahil ako ang kokontak kay Sam mamaya.
"Audrey, last na kanta mo na 'yon ha, lasing kana." pag aalalang sabi ko dahil iba na ang lyrics ng kantang binibigkas niya.
"Kaya ko pa, uminom pa tayo." muling kinuha ang baso at tinungga iyon.
"Bakit mo naisip na mag Nightshift?" pagtatanong ko.
"Nako Madi, yang bestfriend mo inlove na ata." sambit ni Erika
"Last time na umuwi yan sa bahay galing dito ay hindi lasing, nagtataka nga ako eh." pagkwento ni Sophie.
Lumingon ako sa gawi ni Sophie "Hindi ka ba sumabay samin ni Sam nung gabing 'yon."
"Hindi sobrang lasing ka, nag paiwan ako dito."
"Sino naghatid sayo?"
"Ako lang, hindi na 'rin naman ako nagtagal dito isang kanta nalang at umuwi narin ako." sambit niya "Lasing ka at si Ashley nung gabing yon."
Talagang hindi ako nakapag salita sa sinabi niya, ganun ba talaga ako kalasing 'nun para hindi ko matandaan ang lahat.
Nilapit ko ang mukha ko sa taenga niya "Eh yung tungkol sa pagsusuka ko?"

YOU ARE READING
Lost In Love
Teen Fiction( ON GOING STORY) Be smart enough to know what's worth to keep and what's worth to let go. This story is about Love.