Chapter Eighteen

5 1 0
                                    

Lumapit siya sa gawi ko niyakap ako mula sa likod ay sabay halik sa sentido ko, mas lalong lumalim ang paghinga ko nang maramdamang hindi parin niya inaalis ang pagkakayakap sakin.

"Babe" matapos maupo saking tabi.

"Hindi ka nagsabing pupunta ka."

"Gusto na kitang makita, isa pa hindi mo sinasagot mga tawag ko."

Totoong ni isa sa mga tawag niya ay wala akong sinagot inis ko lang binali wala 'yon dahil naiinis parin ako sa nangyari kagabi.

"Naging busy lang kami ni Audrey." balik na sagot ko sabay tingin kay Audrey, nakikiusap sa mga mata'y sumakay na lamang siya.

"I'm going inside." tugon ni Audrey nang tumahimik ang kapaligiran.

Sabay kami napalingon, ayoko sana siyang umalis, gusto ko nasa tabi ko lang siya kung sakaling may detalye man na sasabihin si Sam na hindi totoo babaling ako kay Audrey, pero ganun nalamang niya kami iniwan parang hangin na mabilis mawala.

"Sorry babe, biglaan lang 'yong kagabi." aniya

"Bakit hindi ka manlang nagsabi."

"Nagkayayaan babe after class isa pa buong council ang naroon."

"Hmm." totoong may kirot saking dibdib alam ko namang Presidente siya, alam kong kailangan din niyang makisama, alam kong minsan kailangan din niyang magsaya. Hindi lang ako sanay na hindi siya nagsasabi.

"Isa pa kasama ko si Audrey."

"Bakit hindi kayo sabay umuwi?" pagtatanong ko.

"Bigla siyang nawala."

"Dahil bigla ka ding nawala." tinig ni Audrey, may dala na siyang juice at sandwich

Muli kong nilingon si Sam, doon nakita ko ang pagyuko nang ulo niya iniisip kung ano ang susunod na isasagot.

"Saan ka naman nagpunta babe?"

"Restroom" walang emosyong aniya

Imbis na sagutin siya ay kumain nalang ako, wala akong makuhang sagot sa mga narinig ko mula sa kanya ay mas lalo pang naguluhan ang pag iisip ko.

Lumipas ang gabi na wala ako sa sarili, iniwasan ko nalang na pag-usapan muli 'yon, feeling ko ano mang oras ay tutumba ako. Heto ang unang beses na ginawa to ni Sam, ayokong isipin at mas lalong ayokong mag isip.
Buo ang tiwala ko kay Sam, sa tagal nang samahan namin alam kong hindi niya gagawing pagtaksilan ako.

"Babe"

Napabangon ako nang bumukas ang pinto ng kuarto, kita kong pumasok si Sam "Bakit?" sambit ko

"Can we talk?"

"About what?"

umupo siya saking tabi "About last night."

"Okay."

"There's nothing happened last night, I swear."

"Alam kong busy ka sa council babe, hindi naman kita pipigilan basta magsabi ka lang." paluha kong aniya.

"Sorry babe, kasalanan ko." muling yakap sakin.

Nang maramdaman ang yakap niya ay nagsimula muling tumulo ang aking luha. "I'm really sorry babe, hindi na mauulit." tinunghayan ako at pinunasan ang bawat patak ng luha ko.

Lost In LoveWhere stories live. Discover now