Simula

305 44 12
                                    

Hello po! This is my first time to published a story here because my friend who died last May, 2020 pushed me to do this. I hope she's happy right now because finally, I decided to do my passion and the thing that I love.

DISCLAIMER: This is just a work of imagination. Characters and plot of the story are only made by the author's mind and heart. LOL.

This story is not yet edited. You may encounter a lot of flaws. But I am certain that you will see my heart, my soul, and my emotions here. Thank you!

* * * *
"To cut in short, we need to keep in our mind that Baby Blues are perfectly normal and it will start within first couple of days after delivery. Makakaramdam ang mga mommy ng sadness, stress, isolation, pwede rin na magka-trouble sila sa pagtulog at marami pa. Please pakibasa na lang ang iba sa notes na binigay ko sa inyo." Huminga ako nang malalim bago magpatuloy, "Pero take note, kahit pa normal ito kapag hindi nawala ang symptoms after a few weeks or if it will get worse, maaari itong mapunta sa postpartum depression," mahina at mahinahong paliwanag ko sa aking mga kagrupo.

Kasalukuyan kaming nasa library para aralin ang idi-discuss namin bukas sa klase.

"Eh bakit mas malala ang postpartum, Carm?" tanong ni Steph na isa sa mga ka-grupo ko.

Tumango ako bago sagutin ang tanong niya, " Postpartum sysmptoms are more severe than baby blues because in Postpartum maaaring magkaroon ang mommy ng suicidal thoughts or inability to take care for newborn," sagot ko.

Tiningnan ko isa-isa ang mga ka-grupo para makita kung naiintindihan ba nila ang paliwanag ko.

Walo kami sa grupo. Ang lima ay ka-squad ko at ang tatlong lalaki ay may sariling squad. Talagang nakisama lang sila sa amin ngayon. Ang dahilan? Hindi ko rin alam.

Nabaling ang mga mata ko sa lalaking nasa aking harap. Kai ang pangalan niya. Napansin kong kanina pa siya seryosong nakatitig sa akin, parang inaalam ang buo kong pagkatao. Naiilang man ay nilabanan ko ang titig niya pero agad din akong napa-iwas nang magsalita ang isa sa ka-squad ko.

"Carm, I think it's okay na.  You're already explaining almost one hour. For sure gets na namin ito, " banat ni Marigold.

Pinanliitan ko siya ng mata. Tinitimbang kung tinatamad ba siya o legit na matagal akong nag-discuss bago tumango.

"Alright!" kibit-balikat kong tugon.
"So goodluck sa atin bukas," seryoso kong dagdag sabay ligpit ng gamit.

Tango at ngiti lang ang natanggap ko pagkabanggit ko no'n at nag-iba na kaagad ang topic.

"Sige na kumain na muna tayo," paanyaya ni Dhalia sa amin. "Ahm boys! Steph, Hans, Kai? Okay na. Salamat sa time niyo," dagdag pa nito at bumaling na sa tatlong nakisali lang sa grupo namin.

"Salamat ulit ah! Tinanggap niyo kami sa grupo niyo. Hays mabuti na lang talaga." Mas lumawak ang ngiti ni Hans pagkatapos magsalita.

Tipid akong ngumiti at tiningnan silang lahat na nagliligpit na ng gamit.

 Ewan ko ba pero kanina pa ako hindi mapakali.

"Kakain na ba kayo? Sabay na lang din kami," si Steph.

"Sounds good! Tara na sa cafeteria," pagsang-ayon ni Jek na sinabayan naman ng lahat.

"Dito na lang muna ako, guys. Magbabasa lang ako. Tsaka hindi pa naman ako gutom." Mabilis kong dinampot ang libro at binuklat 'yun sa pahina kung saan ako natigil sa pagbabasa.

"Dito na lang din muna ako. Wala pa akong gana kumain." Inangat ko muli ang tingin kay Kai at sumulyap ito nang bahagya sa akin. "Well, may inutos kasi ang lola ko sa akin so I need a quiet place to do that task," explain niya.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon