Kabanata 13

62 26 0
                                    

Nagpaalam si Kai na magbibihis muna bago kami mag-umpisa sa Case Study namin kaya pumayag ako. Nakakandong si Kaira sa akin habang nakaupo ako sa may mahabang sofa sa sala nila. Samantalang ang mommy niya ay kinakausap ako. Nagpakilala pa siya at inulit na dapat Tita Lucia ang itawag ko sa kanya. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa kanya dahil namamaga ang mata nito at parang hindi natutulog.

"Simula first year binabanggit ka na niyan ni Kai sa amin ng Daddy niya!"  Sabi pa nito pero nalungkot bigla ang mukha nang banggitin ang word na Daddy.

Nagulat man ako dahil sa sinabi pero agad na namuo ang awa sa kanyang mukha.

"Sabi pa nga ni Darius noon dapat makita na niya ikaw pero hindi naman nangyayari dahil hindi pa raw 'yun ang perfect timing sabi ni Kai. Pero ngayong nandito ka na,wala naman na ang Daddy niya." Malungkot na naman nitong kwento.

"Mommy!" Tawag ni Kai sa kanya kaya hindi na ako naka tugon pa sa sinabi ni tita.

"Why, anak?" Tanong niya at hindi pinahalata ang kanina lang na lungkot.

"Gagawa na po kami ni Carm, Mommy. " Paalam nito . Nakapagbihis na siya.

"Awww kuya. I want to play with ate pa!" Reklamo ni Kaira at sumimangot ito.

Diniinan niya ang pagkakaupo sa binti ko para hindi ako makaalis.

"Your ate Carm is here to finish our school work,Kaira." Pagpapaalala ni Kai.

Ngumiti ako at tiningnan ang nakasimangot na si Kaira. "Don't worry Kaira. Ate will come here again para makipag-laro sayo." Sincere kong sabi at nakita na umaliwalas ang mukha niya.

Bumaba siya sa kandungan ko at hinarap ako. "Really ate?" Masaya niyang tanong.

"Yes,Kaira. But now, ate and kuya need to finish our school work. Okay lang ba?" Nakangiti ako para utuin siya.

She nodded. "Yes ate. "Niyakap niya ulit ako. "Please ate dito ka na mag-dinner." Boses nagmamakaawa na nagpapa-cute.

"Okay." Pumayag na ako dahil alam ko naman na gagabihin kami.

Nagpaalam kami kay tita bago pumanhik sa study room ni Kai.

"Nangako ka sa kapatid ko hindi niya makakalimutan 'yun." Marahang sabi ni Kai sa akin kaya tumango ako. Nakita ko na medyo malamig at nabago ang mood niya pagkatapos magbihis.

"Okay lang, sa weekend babalik ako para makalaro ko siya." Sabi ko.

"Oh?" Tanong niya.

I nodded.

Pumasok kami sa isang malaking kwarto at nakita kong puno ito ng mga libro, may computer, printer, at iba't-iba pang gamit sa pag-aaral. May table at mga upuan din.

"Dito ka palagi kapag nag-aaral?" Tanong ko.

"Hindi sa kwarto lang ako." Sagot niya at umupo na kami mag-kaharapan.

Nakita ko na kanina pa siya balisa at nawala ang mood niya bigla. Gusto ko sana siya asarin dahil sa sinabi at binulgar ng mommy at kapatid niya kaso hindi maipinta ang mukha nito.

"May problema ba?" Seryoso kong tanong dahil nakatingin ito sa bintana ngayon at nakatulala.

Huminga siya nang malalim at hindi man lang nagawang tingnan ako.

"Come on, Kai. Ako na lang palagi ang nagkukwento sa ating dalawa. Gusto rin naman kitang makilala!" Dugtong ko pa. "Ano ang problema?"

Sa kabilang banda gusto ko rin naman makatulong sa pain na pinagdadaanan niya.

"Makikinig ako sayo." Sabi ko ulit at hinarap na niya ako. Pinakita ang totoong nararamdaman.

"Wala naman. Si lola kasi tumawag na naman." Sabi niya.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon