"T-tara na. M-medyo malayo ang palengke!" Mabilis akong naglakad para makaiwas pa sa mga tanong nya.
Kaya lang ay mabilis din siyang naglakad para masabayan ako.
Nang makalabas kami sa kanto ay nakita ko na naman ang titig ng mga tao kay Kai. Para namang ngayon lang sila nakakita ng totoong tao. Hays.
Wala namang pakialam si Kai basta lang itong naglalakad kasama ako. Pero nang mapadaan kami sa half court ay kaagad akong tinawag nila Joy at ng iba ko pang mga na-kalaro noong bata pa ako.
"Carm!" Tawag nito.
Napahinto kami ni Kai at tiningnan niya ako. "Uhh. G-guys!" Bati ko sa kanila dahil kumpleto na naman ang mga ito.
Hindi ba sila umuuwi sa kanilang bahay?
"Pakilala mo naman kami sa kasama mo!" Natatawa pang sabi ni Marlito sa akin.
"Oo nga, kanina pa kayo nakarating dito pero hindi mo man lang kami pinapakilala!" Parang nagtatampo ang boses ni Belinda.
Big deal ba 'yun na ipakilala ko ang bisita ko sa kanila?
Para sa akin kasi hindi.
"Uhhh h-hi. I'm Kai." Si Kai na mismo ang nagpakilala sa kanila at medyo lumapit pa ito sa para makipag-kamay.
"Ughhh sabi ko na nga ba at mataas ang standard nitong si Carm sa lalaki eh. " Natatawang sabi ni Den-den nang iabot ni Kai sa kanya ang kamay nito.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o aasim ang mukha dahil sa nangyayari.
"Ang gwapo naman ng boyfriend mo tapos ang bango pa!"
Huh?
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Joy.
Natawa naman si Kai at ibinaling ang ibang kamay sa mga kaibigan ko at hindi inabalang i-tama ang sinabi ni Joy.
Parang ewan lang!!
"Ayos pare! Ang cool ng sports car mo!" Masayang bati sa kanya ni Piolo.
Ngumiwi ako at iniba ang direksyon ng mga mata. Naiilang ako.
"Nice to meet you, pare!" Si Carlo naman ang nagsalita.
Nagpakilala naman sila isa-isa.
"Nice choice, Carm!" Pang-aasar ni Den-den nang matapos silang kamayan.
"Huh?" Tanong ko at ibinalik ang atensyon sa kanila.
"It's nice to have some conversation with you, guys pero kailangan na naming pumunta sa palengke." Paliwanag ni Kai dahil nakita yata na hindi na ako komportable sa nangyayari.
Basta, uncomfortable lang ako lalo sa titig ni Den-den kay Kai. Tsk ewan ko ba! Wala namang masama sa pagpapakilala 'di ba?
Ito namang si Kai medyo makapal din mukha eh no? Parang hindi nakakaramdam ng ilang at hiya kapag nakaka-encounter ng bagong tao.
"Seryoso ba? Isasama mo ito sa palengke?" Gulat na tanong ni Belinda.
Tumango ako at tiningnan si Kai.
"Sabi niya gusto niya ako samahan."Hindi ako sure ah? Pero parang mayabang ako sa part na 'to.
"Wow! Ang sweet naman!" Si Joy.
Ngumiti na lang ako at tiningnan sila isa-isa. Pero hindi na naalis ang titig ko kay Den-den na mukhang namamangha pa rin sa taong nasa harapan niya.
"Let's go." Pagyaya ni Kai kaya naman nagpaalam na ako .
"Sige, uhm tutuloy na kami." Sabi ko sabay turo sa direksyon na lalakaran namin.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...