Maaga ako nagising sa sumunod na araw. Puno ng kasiyahan at kapayapaan ang puso ko kaya naman hindi hadlang na kulang ang aking tulog.
Kagabi ay napag-usapan namin ni Kai na didiretso sa kanyang condo pagkatapos ng aming klase para sa Case Study. Kailangan talaga naming mag-focus sa proyekto na ito. Malapit na rin kasi ang Intramurals kaya kung hindi namin ito maaayos nang maaga, baka hindi maganda ang kalalabasan.
Naging maayos naman ang pag-uusap namin kagabi kahit nagka-aminan na. Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay masigurado ang tunay na dahilan kung bakit gusto ko siya o baka nga katulad niya ay mas higit pa doon. Dahil una sa lahat, ayaw kong gamitin lang siya para mawala ang lungkot ko. Pangalawa, hindi niya deserve mahalin sa ganong paraan at dahilan.
Masaya kong pinaghanda ang aking mga kaibigan ng almusal kaya naman tuwang-tuwa ang lahat nang makita na masarap ang agahan namin.
"Ang taray oh! Perfect ng sandwich ah..Siguro perfect din ang mood no'ng nagluto!" Panunuya ni Dhalia bago kumagat sa sandwich.
"You're so pretty today!" Si Marigold naman at uminom sa gatas niya.
Tumawa si Jek samantalang si Wes ay parang hindi maganda ang gising.
Napakaano talaga lagi!! tsk.
"Sana inspired ka lagi, Carm. Para masarap lagi pagkain natinn!" Natatawang asar ni Jek.
Natawa ako sa sinabi niya at sinabayan na lang ang pang-aasar nila.
Pumasok kami sa university nang sama-sama. Nagmamadali akong pumasok dahil nag-text si Kai na nasa loob na raw siya ng classroom. Dinalhan ko rin kasi siya ng sandwich at isang tumbler na puno ng gatas.
Mukha siyang bata pero mas healthy 'yun!
Naglalakad kami sa parking lot ng school nang may mahagip akong dalawang imahe at nag-uusap. Nakita ko pa na hinalikan ng asawa niya si Ma'am Lorenzo bago ito tumahak sa kanyang kotse.
SANA OL HAPPY FAM! Ay 'di pala sila happy kasi sabi hindi naman daw magkaka-anak si Ma'am. Pero 'di ko sure, malay ko ba na kontento na sila sa buhay nila?So, Sana ol pa rin!!
Tsk!! Ayaw ko masira 'yung mood ko!!
Super bitter ko!
Umiwas ako ng tingin nang tingnan ako no'ng asawa niya bago tuluyang pumasok sa kotse. Tsk.
Mabilis akong naglakad at pilit itanatanggi ang bitterness sa puso.
"Huwag ngayon, please." Sabi ko sa sarili at iniwan na nang tuluyan ang mga kaibigan.
Narinig ko pa ang pag tawag nila pero hindi ko na sila inintindi. Napalitan na ang mood ko. Lagi ko naman na silang nakikitang magkasama ah lalo pa at hatid sundo siya palagi ng asawa niya.Bakit ba naiinggit pa rin ako hanggang ngayon sa kalagayan ng buhay nila? Bakit ba ako naiinis dahil masaya sila? Bakit nagagalit ako dahil happy ang lovestory na meron sila, hindi katulad ng sa nanay ko?
'Di ba dapat maging masaya ako para sa kanila dahil kontento sila sa buhay nila? Kahit ako hindi ganon?
Naging mabilis ang paglalakad ko hawak ang paper bag na may laman na pagkain ni Kai. Nakatingin lang ako rito at nagba-baka sakaling maibsan ang nararamdaman. Napahinto ako nang makita na may nakatayo na sa harapan ko.
Naramdaman ko ang paggaan ng aking loob dahil alam kong si Kai ang nasa harap. Paano niya nagagawa 'yun? 'Yun ang hindi ko alam.
Dali-dali akong nag-angat ng tingin at nang makita siya ay lumapit ako nang mabilis.
"Good-" hindi niya natuloy ang sasabihin dahil niyakap ko lang siya.
Wala na akong pakialam kung may makakita dahil gusto ko lang maalis lahat ng sakit at bitterness sa puso ko. At siya lang ang makakapawi ng lahat.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...