Kinurot ko ang tagiliran nito at nahihiyang tumingin sa camera.
Nakakainis naman 'to! Wrong timing lagi ang pagpapakilig, ughhh.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago ilagay sa leeg ko ang natanggap niyang medalya. Hinawakan ko ito at nahihiyang ngumiti. Mabilis pa rin ang pagtambol ng puso ko dahil sa sinabi niya.
Meron sa isip ko na gusto ko siyang sagutin pabalik pero pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang panahon para sa ganong bagay.
Pagkatapos ng awarding ay nagkayayaan na pumunta sa isang chill bar. Niyaya nila ang buong klase dahil pina-reserved daw ni Hans 'yun noong isang araw kaya kami lang ang tao. Labag man sa loob ko ay napilitan akong sumama dahil kasama si Jillian, ughhh.
"Ahm-Wala kasi akong kotse. Pwede ba akong sumabay sayo, Kai?" Pabebeng tanong ni Jillian. Nagulat ako nang lumapit ito sa amin at malakas ang loob na nagtanong.
Hindi ko alam huh? Pero kasi na-highblood kaagad ako. Baka lang naman nakikita niya ako sa tabi ni Kai no? Nakaakbay pa sa akin.
"Huh? Eh si Carm ang sasakay sa kotse ko." Hindi kaagad sumang-ayon si Kai pero mahinahon pa rin naman ang pakikipag-usap.
"Please. Okay lang naman sayo Carm, 'di ba?" Tanong nito at pabebe pa rin na tumingin sa akin.
Patago akong tumaray pero nilapit pa ako ni Kai sa kanya simbolo na gusto ako pakalmahin.
Relax ka lang, Carm!
Hindi ako nagsalita at siya naman ay matiyagang naghintay sa isasagot ko.
"Sumabay ka na sa amin." Biglang singit ni Wes.
Nakita ko ang pag-irap ni Marigold dahil siya lang ang maiiwan sa sasakyan ni Wes pero hindi na ito umangal pa.
Sasabay kasi si Dhalia kay Hans dahil niyaya siya nito. Si Jek naman ay dala ang kanyang sariling sasakyan dahil umuwi ito kanina nang mapagtantong nakalimutan ang kailangan ipasang proyekto.
"Oh. Eh bakit sayo pa? Bakit hindi na lang ako kay Kai sumabay?" Naghanap pa siya ng excuse. Kainis!
Huminga nang malalim si Kai at pinapahaba pa ang pasensiya.
"Oh come on!" Dhalia rolled her eyes "Carm and Kai needs privacy." Naiiritang paliwanag ni Dhalia.
"Jillian? Diba may sasakyan kang dala kanina? Nakita kasi kitang bumaba doon." Biglang singit ni Olive. Isa sa mga kaibigan niya.
Tingnan mo 'to?! Ughhh.
"Ah-eh inuwi ng driver ko."
"Pasensiya ka na, Jillian. Mas mabuti sigurong kay Wes ka na sumabay." Mahinahong suggestion ni Kai.
Bakit kasi ang bait nito? Kakainis.
"Oo nga. Dalawa lang naman kami ni Marigold," pagsang-ayon ni Wes at kumindat ito kay Kai. Mukhang bakla siya sa part na 'yun.
"Let's go na." Wala sa mood na sabi ni Marigold.
Buong klase namin ay nagkanya-kanya na at walang nagawa si Jillian kundi sumama kay Wes. Bakit kasi hindi na lang siya kay Olive sumakay? Eh bessy naman niya 'yun.
Naglakad kami palabas ni Kai habang akbay pa rin ako.
Mukhang lumelevel-up galawan nito ah? tsk.
"Bakit kasi ang bait mo kay Jillian, ayan tuloy nahuhulog lalo sayo 'yung tao." Mataray kong pinagsabihan si Kai.
Huminga ito nang malalim bago sagutin ang tanong ko.
"Pinapakisamahan ko siya nang maayos at sana maintindihan mo 'yun, Carm. Malay ba natin na may dahilan kung bakit ganon ang kilos niya 'di ba? Kaya naisip ko na kapag pangit ako makitungo sa kanya baka ma-trigger 'yung emotions niya."
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...