Kabanata 16

61 27 0
                                    


Mabilis akong inalis ni Kai sa lugar na 'yun at hindi na siya nag-abala pang magtanong. Sinakay niya ako sa kotse niya at pinaandar 'yun.

Patuloy na dumadaloy ang luha sa aking mga mata at hindi na inabala ang sarili na magkwento o kausapin ang katabi kong naka-focus sa pagmamaneho. Sumabay ang panahon sa nararamdaman ko dahil umuulan. Mabilis ang pagtibok ng puso ko kaya naman damang-dama ko ang sakit.

Bakit siya na naman?

Kinaya ko pa na makita siyang hinahalikan at hinahawakan ang kamay ng taong mahal niya. Kinaya kong makipag-usap sa kanya kahit saglit lang. Kinaya ko pang titigan siya nang matagal. Pero parang ayaw tanggapin ng sistema ko na siya ang iniidolo ko. Parang nasusuka ako nang siya ang lumabas sa entablado.

How Ironic? Kahit kailan hindi ko dapat iniidolo ang taong iniwan ang mama kong nalulungkot at dala-dala ang sakit na dinulot niya. Ang kapal ng mukha niya!

Gustong-gusto ko siyang sapakin dahil nakikita kong masaya siya sa piling ng iba habang kami, lalo na si mama ay nagdurusa. Habang ako noon ay nag-aasam na sana may tatay rin ako.

Sana may kumakarga sa akin noong bata ako.

Sana may sasalubungin ako tuwing gabi sa labas ng pinto at aabangan ang mga yakap at pag-karga niya sa akin.

Sana may tatay na nagsabit ng medalya ko tuwing recognition.

Sana may tatay na magsasabi kung gaano siya ka-proud sa akin tapos yayakapin ako.

Sana may tatay na magga-guide sa akin habang nagdadalaga ako.

Pero wala.

Nawala lahat ng hangarin kong 'yun simula nang makita ko siya kung gaano kasaya habang kapiling niya ang mahal niya sa buhay.

Bakit ba kailangan ganon lagi? Bakit kailangan may magdusa para sumaya ang iba? Bakit kailangan may magsakripisyo para maging maayos ang iba?

Bakit kami pa ni Mama?

Parang nadagdagan 'yung sakit na nararamdaman ko. Parang ayaw ko na magpatawad. Gusto kong dalhin na lang ito habang buhay.

"Carm," mahinang tawag ni Kai sa akin "Keep calm please. Baka mamaya mahirapan ka huminga."

Tiningnan ko si Kai habang tumutulo pa rin ang luha ko.

"Paano ako kakalma Kai?" Tanong ko sa kanya, nanghihina pero mahihimigan ang pagka-frustrate.

"Alam ko na nahihirapan ka dahil sa nakita mo pero-"

"Pero ano?" Napalakas ang boses ko "Ikakalma ko ang sarili ko? Bakit pa? Eh ang kapal ng mukha ng taong 'yun! Paano niya nagagawang ngumiti kasama ang totoong mahal niya kuno, samantalang may napinsala siyang ibang tao!" Singhal ko kay Kai, "Paano niya nagagawang magsulat ng kwento tapos masasaya ang ending kung may tinapos siyang kwento sa pagitan nila ni Mama at tragic ang wakas!"

Natahimik si Kai pero dahil sa galit ko, sa kanya ko yata mabubuntong ang lahat.

"Huwag mong sasabihin na i-kalma ko ang sarili ko dahil wala ka sa sitwasyon ko!" Galit kong sabi sa kanya, "Simula pagka-bata ba hindi mo naramdaman 'yung walang tatay? Hindi mo ba nakalaro, nakausap, nayakap? Hindi ka ba niya na-karga, nahalikan, sinubuan ng pagkain, pinagluto, at nabigyan ng pera para sa mga pangangailangan mo? 'Di ba naranasan mo lahat 'yun? Ako kasi Kai hindi! Never nangyari sa buhay ko 'yun kaya paano ko ikakalma ang sarili ko habang nakikita ko ang tatay ko na masaya sa piling ng iba at maraming humahanga sa kanya without knowing him na manloloko at mangagamit siya! MINAHAL NIYA 'YUNG NANAY KO DAHIL MALUNGKOT LANG SIYA!!! ANG KAPAL NG MUKHA NIYA!" Sigaw ko pa habang tumutulo ang mga luha.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon