Kabanata 21

86 26 0
                                    

Nakita ko ang pamumula ng pisnge ni Carm nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

"Oo na! Oo na! Nakatingin na mga kaklase natin!" Sabi niya sa akin.

"Hala? walang sagot?" Nagtatampo kunwareng sabi ko.

"Alam mo na 'yun." Sabi nito, "Ang kulit mo."

Tumawa ako at naglakad na papuntang likod.

Why I'm so inlove with that woman?Hindi ko kasi alam hahaha basta alam ko mahal ko lang siya.

Anyway, Masaya ako dahil nakabalik na ako rito sa school at hindi lang 'yun nakikita kong okay na rin si Mama at nakakamove forward na from the past. Alam ko naman na mahirap ang pinagdaanan niya dahil pati ako ay nasasaktan pa rin sa pagkawala ni Daddy pero wala eh, kailangan na lang tanggapin ang katotohan para maging masaya ang buhay.

Pumayag na si Lola na mag-focus muna ako sa pag-aaral pero nangako akong ipagpapatuloy ko ang business namin after ko magtapos. 'Yun naman talaga ang balak ko.

I just took this course because of Dad. Pero minahal ko na rin dahil kamahal-mahal naman talaga ang kursong ito. At isa pa, nakilala ko ang pinapanalangin kong makasama habang buhay dahil dito.Oh 'di ba? San ka pa hahahaha Psychology ka na!Joke.

Pumasok ang unang prof namin sa araw na ito at bumati sa amin. Binati pa ako nito para sa muli kong pagbabalik kaya nasa akin na naman ang atensyon ng lahat.

Alam ko naman na miss na miss niyo ako pero pwede ba mag-aral muna tayo hahahaha. Aral na aral kaya ako!

Pagkatapos non ay puro discussion na. Hindi naman ako nahuhuli sa topic dahil nasend naman na ito sa akin kaya nakapag basa-basa na ako.

"Sir? Totoo po ba na sa Malaysia na si Ma'am Lorenzo titira?" Tanong ng isa kong kaklase.

Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman na at usap-usapan ito sa buong hallway kanina. Mabait kasi si Ma'am at talaga namang halos lahat ng Psych student ay paborito siya dahil ang friendly at napaka-jolly pang magturo. Bukod pa doon ay hindi niya hinahayaan na may bumagsak sa klase. Ang inaalala ko lang ay ang magiging reaksyon ni Carm sa biglaang pag-alis ni Ma'am kasama ang tatay niya.

"Yes. They will stay there for good." Sagot ng prof namin.

"Bakit naman sir?" Tanong pa niya ulit.

"Ayun yata ang naging usapan nila mag-asawa. Hindi ko rin alam eh." Matiyagang sagot ng matanda na naming guro.

Nakatingin lang ako kay Carm pero blangko lang ang kanyang ekspresyon. Kaya nang mag-dismissed ang klase ay agad ko siyang nilapitan.

"Are you okay?" Tanong ko sa'kanya habang palabas kami ng classroom.

Ngumiti siya sa akin.

"Yes. Thank you." I'm just staring to her lovely eyes with her thick eyelashes around it.

"Sure?" Paninigurado ko.

"Yeah. Let's just accept it then move on."
Nakangiti pa rin niyang sagot bago ako hatakin palapit sa mga kaibigan.

Sinulit ko ang pagkakataon na 'yun para titigan siya habang nakatalikod. Una kong binalingan ng mata ang kamay niyang nakahawak sa akin. I just feel like I am blessed and favored because she's holding my hand.

Am I  insane?

Tumaas ang tingin ko sa likod niya patungo sa kanyang buhok na medyo magulo na sa pagkakatali . Pero maganda pa rin siya para sa akin .

Nakita ko na hinarap niya ako at nagtatakang tiningnan.

"La? Anong iniisip mo?" Tanong niya.

"Wala lang. Labas kaya tayo mamaya?" Paanyaya ko sa kanya at tinigil na ang ginagawa kanina.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon