Kabanata 18

58 26 0
                                    

"Sure ka ba dito?" Tanong ni Steph sa akin habang mabilis kaming pumupunta sa parking lot para doon na lang siya hintayin.

"Bakit hindi?" Balik kong tanong sa kanya.

"Mukhang maldita 'yun si Ma'am Dariella!" Natatakot na ang mukha ni Hans at umakto pa itong nanginginig kunware kaya naman napailing ako.

"Sa likod ko lang kayo, ako ang kakausap."
Kabado man ay pinilit ko ang aking sarili para kay Kai. Gusto kong bumalik siya sa paaralan hindi lang dahil sa gusto ko siya makita lagi kundi alam ko na masaya siya kapag ganon ang nangyari.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang bumubuo na ng manuskristo sa isipan na kailangan sabihin sa lola niya.

"Ayan 'yung sasakyan niya." Turo sa akin ni Steph kaya naman agad nawala ang inipon kong mga salita at tinitigan mabuti ang mamahaling itim na SUV sa aming harapan.

Kabado man, sa huli inisip ko pa rin si Kai. Ang kagustuhan nito maging malaya at gawin ang mga bagay na normal na ginagawa ng kabataan.

Lumapit ako sa sasakyan.

"Ano po ang kailangan niyo, Ma'am?" Tanong ni Kuyang Driver.

"Uhm. Good afternoon po, hihintayin ko sana si Ma'am Dariella," magalang kong bungad sa kanya.

Kumunot ang noo niya. "Kilala po ba niya kayo?" Tanong nito.

"Uh-hindi po pero kilala ako ng apo niya."

Bakas ang pag-aalinlanlangan sa mukha ng driver ni Ma'am Dariella pero hindi naman ito umangal sa nais ko.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang tunog at mahahalatang stilleto ang suot nitong pang-yapak kaya naman marahan akong kinabahan. Dahil alam ko na dumating na ang lola ni Kai.

"Let's go! " Bungad nito sa driver niya bago bumaling sa akin na nasa gilid lamang ng SUV pero mabilis itong natanggal nang bumaling siya sa mga lalaki sa likod ko. Tinitigan niya ang mga ito at mukhang nag-aabang ng mga salita mula sa bibig ng dalawa.

This woman is full of authority with her red matte lipstick. She's wearing eyeglasses and black tulle dress and stilleto. Tama ang nararamdaman kong kaba dahil siya ang kaharap ko. Isang tingin pa lang ay mukha na itong masungit.

Pero bawal judgemental, malay ba natin na mabait siya katulad nila Tita, Kaira at Kai.

"Good afternoon Ma'am Dariella!" Sabay na bigkas ng dalawa sa likod ko.

"Good afternoon Mr. Manuel, Mr. Chu and?" Sabay baling sa akin, nararamdaman ko na pinanliliitan niya ako ng mata sa likod ng kanyang shades. "What's your name?" Tanong nito at hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya.

Masyado niya akong pinapakaba. Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang pagkakabigkas niya o ganyan talaga siya.

Gayunpaman, buo ang aking desisyon na pakiusapan ito. Sayang ang pagkakataon. Isa pa, wala naman masamang sumubok.

"G-good afternoon, Ms. Dariella. I'm Carm po." Magalang kong bati at nag-bow kaonti dahil hindi ko alam kung mag-mamano ba ako o bebeso.

Hindi naman kami close.

"Carm?Oww so it's you!" Mas lalong tumaas ang kilay niya at ang mga sinabi niya ang nagpa-bilog sa aking mga mata.Ngunit binalewala na lang iyon.

"Gusto ko lang po sana kayo makausap." Determinado kong sabi. Nakita ko siyang ngumisi. "K-kahit ilang minuto lang po sana." Dagdag ko pa.

" Let me guess! " May halong sarkasmo ang boses at naka-half smile siya, "It's about Kai!" Buo ang confident nito kaya naman mararamdaman mo na alam niya sa kanyang sarili na tama ang hula.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon