Pagkatapos ng hapunan ay umakyat muna ako sa kwarto para magbihis pero mabilis din naman akong bumaba para hanapin si Carm.
Nakita ko siya sa may veranda malapit sa sala kaya mabilis ko siyang pinuntahan doon.
Niyakap ko siya patalikod kaya naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang balikat pero hinawakan din naman niya ang kamay kong kasalukuyang nakalagay banda sa tiyan niya.
"Are you mad?" Diretsong tanong ko.
Naramdaman ko ang paghinga niya nang malalim.
"I'm sorry." Dugtong ko, "You know how much I love you, right? But I love my Lola too. I need to take care of her especially at her age. " Paliwanag ko.
Hinawakan niya ang ulo kong nasa balikat niya.
"Hindi naman ako galit. Kaso syempre sobrang lungkot kasi hindi kita makakasama ng two years." Sagot nito.
"Pero I'm sure may purpose kung bakit ganito ang mangyayari. Kaya tatanggapin ko na lang. Huwag kang mag-alala, mag-uusap naman tayo 'di ba? Tatawag ka pa rin?" Tanong niya.
"Oo naman no? Hays isang araw pa lang feeling ko miss na miss na kaagad kita." Parang bata ako kung magsalita.
"Matagal mo akong hinintay, Kai." Sabi niya, "Baka this time, gusto naman ni Lord i-test 'yung patience ko. Kaya ako naman ang maghihintay para sa'yo."
Napangiti ako sa sinabi niya kahit pa nalulungkot sa kabilang banda.
Napaka-understanding ni Carm masyado at kahit alam ko na labag sa loob niya ay hindi niya ito pinapakita.
Paano niya ba nagagawang panatilihing payapa ang puso ko kahit pa nasa pagitan kami ng problema at sitwasyon na dapat magdulot ng gulo sa buong ako?
"Napamahal na ako sa family mo. Kaya iintindihin ko lahat. Okay lang maghintay ako basta sa dulo sa akin ka pa rin babalik." Malambing na dagdag niya.
Dahan-dahan ko siyang hinarap para mas mayakap lalo.
"Thank you, Babe." Bulong ko sa kanya.
"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo." Sagot niya, "Kahit ang daming pagkakataon na pwede mo na akong ayawan dahil sa kagagawan ko, pinili mo pa rin mag-stay." Nakanguso niyang sabi.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi valid ang salitang hindi ko kaya kapag ikaw ang usapan." Nakangiti kong bulong sa kanya.
Ngumiti ito at hindi na napigilan ang pamumula ng kanyang pisnge.
"Don't look another woman there!" May banta sa sinabi niya habang nakanguso.
Umiling ako.
"Ako? Babaero? Yuck!" Pagtanggi ko dahil hindi naman talaga ako ganon.
"Malapit ka man o malayo, hinding-hindi ako maghahanap ng kapalit mo dahil hindi mo deserve ang bagay na 'yun. You're irreplaceable!"
Nakita ko ang malulungkot niyang ngiti.
"Sana lumipas na kaagad ang dalawang taon bukas." Bulong niya pero sinasadya niyang iparinig sa akin.
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at tinitigan siya para maging sincere sa kanya ang mga sasabihin ko.
"Achieve all your goals for two years." Sabi ko, "Then I will achieve mine when I get back." Marahan pero puno nang paghahamon kong dagdag.
"What's yours?" Tanong nito habang nakatitig din sa akin.
Hinalikan ko ang kanyang noo bago buong puso banggitin ang pangarap na talagang pagsisisihan ko kapag hindi natupad.
"To marry you."
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...