"Good morning to the most beautiful woman in the world."
Masayang bati ni Kai sa kanyang asawa na ngayon ay busy sa pagluluto ng kanilang almusal.
"Good morning, handsome!" Bati rin nito at hinarap siya.
Nagulat siya nang may tinatangkang ibigay sa kanya ang asawa. Bagama't madalas niya itong gawin ay hindi niya magawang masanay.
"Ang aga-aga, Babe!" Natatawang sabi ni Carm pero tinanggap din naman ang boquet na galing sa asawa.
"What?" Tugon ng asawa niya. "Parang hindi ka nasanay."
Tumawa si Carm at hinawakan ang tiyan nito na malaki na.
"Thank you." Sabi nito at saglit na ninakawan ng halik ang asawa sa labi. Itinabi niya rin ang boquet na bigay nito.
Napangiti si Kai bago siya alalayan umupo para makapagsimula nang mag-almusal.
"Tawagin mo na si Koby sa kwarto niya." Utos ni Carm sa asawa at agad naman itong nagtangkang tumayo.
"Good morning to my gorgeous Mommy and cool Daddy!"
Hindi na umalis sa pwesto si Kai dahil nakababa na ang kanilang panganay na anak.
"Good morning, Anak!" Malambing na sabi ni Carm bago halikan ang anak sa ulo.
"Good Morning kapatid ko." Bulong nito sa tiyan ng ina. "Kuya is already five years old, kaya na kitang protektahan."
Natawa ang mag-asawa dahil sa sinabi ng anak.
"Nasaan ang kiss ni Daddy?" Kunwareng nagtatampo si Kai sa anak.
"Syempre meron ka , Dad!" Masaya nitong tugon at hinalikan sa pisnge ang Ama.
Nagmadali itong umupo sa gitna nina Carm at Kai para makakain na.
"You lead the prayer, anak." Utos ni Kai at agad naman itong sumunod.
Pagkatapos manalangin ay matiyagang nilagyan ni Kai ang anak ng pagkain maging ang kanyang asawa.
"It's Saturday Dad. Ano pong gagawin natin?" Tanong ng anak bago sumubo ng hotdog.
"We can play basketball but after this you should help Daddy in washing his car." Tugon ni Kai
Kumunot ang noo ng bata bago balingan ang Mommy niya.
"Mommy are you going to your OB today?" Tanong nito.
"Hindi anak, bakit?" Sagot ni Carm.
"Ah okay." Napangiti siya "We can play pala Dad and wash your car after." Pagsang-ayon sa ama.
Nagkatinginan ang mag-asawa at napangiti dahil sa pagiging maalaga at malambing ng anak.
Sa anim na taon nila bilang mag-asawa ay naging maayos ang lahat. Ang totoo ay mas lalo nilang minamahal ang isat-isa habang nagsasama nang matagal. Hindi nawala ang pa-surprise ni Kai sa kanya at naging hobby na ang magbigay ng bulaklak sa kanya madalas kahit wala namang okasyon. Para sa sakanya, deserve ni Carm na pakiligin araw-araw.
Hawak-hawak ni Carm ang kwintas niya na may pendant na letrang K habang pinagmamasdan ang mag-ama na naglilinis ng sasakyan. Nagtatawanan at nagbabasaan ang mga ito. Masaya na siya kahit pa nakatitig lang sa dalawa.
Napakapayapa ng nararamdaman niya.
Ilang taon pa ang lumipas at mas lalong naging masaya ang kanilang pamilya.
"Mommy!!!" Sigaw ng dalawang anak habang mabilis itong tumatakbo sa hallway.
Katatapos lang ng Career orientation ni Carm sa mga estudyanteng ga-graduate na sa pagiging High school pagkatapos ng school year.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...