"Y-you w-what?" Kahit narinig ko naman na ay ganon ang lumabas sa aking bibig. Wala kasi akong masagap na ibang salita."I'm jelous. " Pag-uulit niya at walang emosyon ang kanyang mukha.
Hindi ako nag-salita.
"I don't know why you're acting like you like him a lot even in a short period of time, Carm. Walang-walang 'yung oras at panahon nang pinagsamahan niyo sa pinagsamahan natin. " Sa unang pagkakataon ay nahimigan ko ang pagiging bitter sa boses niya. "Ilang taon mo na akong kasama, and for heaven sake sa iisang bubong lang tayo nakatira. Pero hindi mo man lang naramdaman kung ano ang turing ko sa'yo!" Nauubos na ang pasensiya niya.
Napaiwas ako ng tingin at sinapo ang aking noo.
"Tell me, hindi mo ba binigyang motibo 'yung pag-trato ko sa'yo?" Tanong niya.
Sa totoo lang hindi naman talaga. Kasi pakiramdam ko ang ginagawa niyang kabutihan at pagiging protective ay dahil tinuturing niya akong kapatid.
Umiling ako para maging honest.
"W-wes naman!" Sress kong sabi sa kanya. Hindi alam paano solusyunan ang problema."Tell me, bakit siya ang gusto mo at hindi ako?" Tanong niya at mukhang nasasaktan na. "Bakit hindi na lang ako?" Mahina niya pang dugtong.
Napalunok ako sa huling sinabi niya. Never ko na-imagine na mangyayari itong bagay na ito kaya ang hirap i-proseso lahat ng mga sinasabi niya.
"Ilang taon na taong mag-kaibigan. Why the hell you're clueless about my feelings!" Medyo pasigaw na niyang sabi, dahil frustrated na siya. "Natutulog tayo sa iisang unit. Sabay tayong pumasok, kumain, mag-aral. Nakikita ko kung paano ka tumawa, kung paano ka ngumuti at mag-celebrate kapag may achievements ka!"
I wonder, what if you will see the unseen wounds of mine, magugustuhan mo kaya ako? Kung nakikita mo 'yung nakakainis kong pag-iyak at nakakasawa kong rant sa buhay? Magugustuhan mo pa rin ba ako?
Dahil sa pagkakaalam ko, ibang-iba ang pagka-gusto at pagmamahal!!
Kapag gusto mo, there something special to that person why you're attracted towards her or him. Pero kapag mahal mo, even the flaws and imperfections of that person ay tatanggapin mo.
"G-gusto mo lang ako Wes." I concluded.
Namilog ang mata niya at may halong inis bago siya magsalita.
"Lang? The hell you are, Carm!! Gusto kita tapos nila-lang mo lang? Nakipaghiwalay ako sa mga naging girlfriend ko at iniwasan ko ang mga flings ko dahil ikaw nga 'yung gusto ko tapos nila-lang mo lang?Ginawa ko ang lahat para sa'yo!" Singhal niya sa akin.
Ako naman ang nagulat. So ako ang dahilan bakit nawawalan siya bigla ng jowa at flings?
I feel so sorry for that pero hindi ko matanggap na sinabi niyang ginawa niya ang lahat para sa akin.
"So-sorry." Mahinang sabi ko at hindi na nadugtungan ang sinabi. Ayaw na palakihin ang gulo.
"Carm, huwag mo gustuhin ang taong 'yun. Ngayon pa lang kayo naging close no'n. Malay mo ba kung babaero 'yun tapos walang ibang ginawa kundi mag-waldas ng pera sa bar at humawak doon ng mga babae!"
Doon ako nanginig at naubos ang pasensiya ko. Hinampas ko ang lamesa at tumayo para harapin siya nang diretso at panlakihan siya ng mata.
"How dare you to say that? Huwag na huwag mo siyang sasabihan ng mga ganyang salita dahil hindi mo siya kilala!" Madiin kong sabi, "Don't conclude to someone's life lalo pa at wala kang nakitang ebidensiya para sabihin mo yan!" Suminghap ako. " Kasama kita ng ilang taon, Wes. Pero bakit hindi mo nakita 'yung flaws ko? 'Yung insecurities ko? 'Yung pain ko? Kasi kung totoong ginawa mo ang lahat, magiging obvious at conscious ka sa mga galaw,mga salita at behavior na pinapakita ko. Dahil kahit hindi ako magsalita, mararamdaman mo 'yun,eh. Pero hindi mo ginawa dahil na-attract ka na sa magandang meron ako at tinabi na lang sa sulok 'yung imperfections ko. " Tuloy-tuloy ko pang sabi. "Ayaw ko mag-compare pero sa maikling panahon na close kami ni Kai, 'yung insecurities at pain ko kaagad ang nakita at nasubayabyan niya.Pero behind that, tinanggap at nagustuhan niya pa rin ako. " Paliwanag ko at nakita siyang yumuko.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...