"Congratulations, Babe!"Mabilis na namuo ang luha sa aking mga mata nang marinig ko ang masayang boses ng mahal ko.
Hindi pa man ako nakakaharap dahil ayaw kong umasa baka kasi panaginip lang ito, ay naramdaman ko na ang yakap niya mula sa likod.
"Yay! Huwag bakla pre!" Pang-aasar ni Hans sa akin.
Tumulo kasi ang mga luha ko dahil ngayon nasisiguro kong totoo ang lahat ng ito. Pinakinggan na ng Diyos ang panalangin ko.
Unti-onti ko siyang hinarap at nakita ko ang pang-bungad niyang ngiti sa akin.
Napakaganda niya mga tsong!!!
Nakalugay ang kanyang buhok at kinulot niya ang ilalim nito. Nakamake-up din siya at suot niya ang isang magarang dress. Napansin ko rin na suot niya ang kwintas na bigay ko. Patunay kung gaano niya ako ipinagmamalaki.
"B-babe?" Mahinang tawag ko at hinawakan ang pisnge niya.
"Surprise!" Masaya niyang sabi at binuka ang kanyang mga braso para salubungin ang yakap ko. Paramg wala ng bakas ng pighati at pagdadalamhati.
Mabilis ko siyang niyakap. "I'm happy,Babe!" Masayang sabi ko kahit pa nababasag na ang boses.
"T-thank you for not giving up." Bulong niya sa akin.
Hinawakan ko ulit ang pisnge niya.
"Bakit ko naman gagawin 'yun?" Tanong ko at hinalikan ang kanyang noo."I chose to continue my life. " Sabi niya sa akin at parang sobrang saya ng naging desisyon niya, "Dahil alam ko na ito ang ikakasiya ni Mama."
Tumango ako at tinitigan siya para iparamdam kung gaano ako kasaya at kung gaano ko siya pinapahalagahan.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang imahe na papalapit sa amin. Bukod sa pormal na kasuotan ay suot niya rin ang malawak na ngiti habang tinititigan niya kami.
"Anak?" Tawag ni Sir Vicente kay Carm.
Tiningnan ko si Carm na hindi naalis ang ngiti at nilingon ang Tatay.
"Pa?" Masayang tawag nito at lumapit siya rito.
Napakunot ang noo ko samantalang halata ang saya ng mga taong nakapaligid sa amin.
"Kai, si Papa." Sabi ni Carm. "Papa, si Kai. Boyfriend ko," pakilala niya sa akin na parang hindi alam ni Sir Vicente na may relasyon kami ng anak niya.
Nakita ko na lumapit si Sir Vicente sa akin at nakipag-kamay. "Good afternoon, Kai." Bati nito sa akin kaya tinugon ko.
"Good afternoon po, Sir." Tugon ko.
"Tito." He corrected me kaya tumango ako.
Nilapitan ako ni Carm at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nakangiti siyang tiningala ako. "Naalala ko ang sinabi mo," malambing niyang sabi sa akin.
"What?" Tanong ko.
"Gusto mo magpatawad para maayos ang puso mo. Pero para makapag-patawad ka, dapat baguhin mo ang sinisigaw ng puso mo." Sagot niya.
Naalala ko na sinabi ko nga sa kanya 'yun nang umamin siya sa akin tungkol sa past ng magulang niya doon sa condo unit ko.
Parang piniga ang puso ko dahil naalala niya pa ang mga sinabi ko sa kanya.
"Thank you, babe!" Naiiyak niyang sabi, "Lagi mo akong tinutulungan bumangon." Hinawakan niya ang pisnge ko, " Now, I chose to forgive and let my heart filled by love. Hinayaan ko na magka-usap kami ni papa at doon ko lang nalaman na mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa galit na meron ako dahil sa ginawa niya kay Mama." Nakita kong tumulo ang kanyang luha kaya kaagad ko itong pinunasan.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...