Kabanata 2

125 30 1
                                    

Hindi na kami nagsalita ni Kai at kumain na lang kaagad nang maihatid ni Kuya Samuel ang pagkain namin. Mabilis akong lumamon dahil nagugutom na talaga ako tsaka napahiya ako no!

Grabeee! 'Di ko alam paano sila kakausapin.

"Here." Tumigil ako sa pagkain nang ilapag ni Kai ang isang bottled water sa harapan ko.

"Thank you," sabi ko.

Ngumiti siya dahilan para lumabas ang kaniyang dimples bago siya umupo sa harapan ko.

"Napaka-effort!" pang-aasar ni Jek kay Kai.

"Kapag si Kai, thank you. Kapag kami, thanks lang," natatawang sabi ni Dhalia.

Umiling na lang ako at inubos na ang kinakain. Nagkwentuhan pa silang lahat at nagtawanan pero ako ay nanatiling tahimik at nagbasa na lang ng libro. Nakikisali rin si Kai sa kanila kaya medyo nabawasan na rin ang pagka-awkward ko.

Pagkatapos ng klase ay nagmadali kaming umuwi para makapagbihis at maagang makapunta sa bahay ni Steph.

"Grabe ang sweet niyo kanina!" Dhalia giggled.

"I agree! May chemistry kayo!" kinikilig na sabi rin ni Marigold.

Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na sila sinagot pa. Kanina pa ako inaasar ng mga ito pati na rin si Jek. Mabuti na lang at pinagtatanggol ako ni Wes dahil nahalata sigurong naiirita na ako.

"Ano susuotin niyo?" pag-iiba ko na lang sa topic. Tiningnan nila ako bago mag-salita.

"Dress," sagot ni Marigold.

Bakit ba ako nagtatanong? Eh alam ko naman na ang mga pormahan nila.

Katulad noon, parehas na naman silang nag-dress. Kulay itim ang kay Marigold na bumagay sa kulay niyang mala-gatas at beige naman ang kay Dhalia.

Ako naman ay nagsuot ng oversized minimal statement shirt kapares ang denim shorts at Korean white sneakers. Nag-ponytail ulit ako ng buhok dahil hindi ako sanay nang nakalugay at naglagay ng konting tint sa pisnge at labi para naman magkaroon ng buhay ang mukha ko.

Sinuot ko ang sling bag bago lumabas at yayain na silang umalis.

"Mag-iinuman ba kayo?" tanong ni Dhalia nang makasakay na kami sa kotse ni Wes.

"Depende sa kanila," sabi ni Jek na nasa front seat kaya sinilip niya kami sa likod.

"What if niyaya kayo?" tanong ni Marigold.

"G agad! Minsan lang 'to. Hindi naman kami magpapaka-lasing!" sagot ni Wes at parang excited talaga siyang uminom. Tsk.

"Sali na rin kami ah. Baka may ladies drink naman doon." Tinaasan ko ng kilay si Dhalia matapos sabihin 'yun pero hindi siya nagpatinag.

Thirty minutes kaming bumiyahe bago makapunta sa bahay ni Steph. Agad kaming pinapasok ng guard, alam na siguro na may bisita ang amo niya.

"Nasa kusina po sila," bungad sa amin ng isa sa mga kasambahay nila.

Inikot ko ang paningin dahil namamangha sa laki, lawak, at ganda ng kanilang bahay. Kung ako siguro nasa bahay na 'to mababaliw ako lalo't wala akong kasama maliban sa mga kasambahay nilang maraming ginagawa.

Dumaan kami sa sala bago makarating sa dining. Halatang mamahalin lahat ng kanilang mga gamit at sa sobrang linis ay parang makikita mo na ang repleksyon mo sa mga babasaging bagay.

Malayo pa lang ay tanaw ko na silang tatlo na nagtatawanan at si Kai kaagad ang tiningnan ko at nakita ang malakas nitong pagtawa. Minsan naiisip ko kung may problema ba ito dahil puro tawa ang ginagawa. 

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon