Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang noo pero kaagad ko rin itong inalis dahil nakakapaso ang balat nito.
Tumayo ako at nagtungo sa kanyang banyo para kumuha ng tubig. Pumunta rin ako sa walk in closet niya para kumuha ng bimpo at kanyang ipangpapalit na damit kung sakaling magising siya.
Nakita ko na mahimbing pa rin siyang natutulog. Mapait akong ngumiti dahil napaka-bait pa rin niyang tingnan kahit natutulog. Parang nararamdaman ko kaagad ang pagiging selfless at mapagmahal niyang tao. Lumapit ako sa kanya para umpisahan siyang punasan.
"Hmmm," narinig ko ang impit na pag-daing niya nang dumampi ang bimpo sa kanyang noo.
"C-carm." Marahan nitong sabi pagkatapos ay tumagilid ng pwesto. Tinalikuran ako.
Nagulat ako dahil sa ginawa niya at tinawag niya pa ako kaya sinilip ko kung gising na siya pero hindi naman.
Natawa ako sa isip.
"I miss you." Bulong ko sa kanya at tinuloy ang ginagawa pero hindi talaga siya nagigising.
Tsk! Parang mantika kung matulog.
Gumalaw ulit siya at bumalik sa pagkakatihaya. Binasa ko ulit ang bimpo bago ilagay sa kanyang noo.
Maingat akong bumaba sa kusina para ipagluto siya ng pwedeng kainin. Pero pagkababa ko ay nakasalubong ko si Tita at Kaira.
"Carm!" Tawag ni Tita kaya kaagad akong humakbang nang mabilis para maabot sila at mayakap.
"Ate Carm!" Sigaw ni Kaira.
Niyakap ko si Kaira nang napakahigpit bago ako bumaling kay tita para yakapin siya .
"I miss you, hija," bulong nito sa akin. "Ang tagal mo namang bumalik," parang nagtatampo ang kanyang tono.
"Pasensiya na po. Huwag po kayo mag-alala hindi ko na po uulitin." Sabi ko.
"Mabuti naman. Ayaw kong nalulungkot ang anak ko. Ikaw ang lakas niya, hija. Tsaka ang laki ng tinulong mo para sa akin kaya sobra ang pasasalamat ko sa'yo. " Bulong nito sa akin bago ialis ang pagkakayakap.
"Nagkausap na ba kayo ni Kai?" Tanong niya.
Umiling ako. "Nilalagnat po at natutulog pa siya. Bumaba lang ako para ipagluto siya." Sagot ko.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni tita bago ako malungkot na titigan.
"Alam mo hija, tinawagan ako ng lola niya kanina."
Namilog ang mata ko at natakot na baka sinumbong ako.
"Nagkausap na raw kayo?" Marahan nitong tanong.
Ngumuso ako bago sumagot. "Opo. Nakiusap ako na sana pabalikin na niya si Kai sa university dahil masaya siya kapag pumapasok, tita." Sabi ko, "Kaso hindi ko po alam kung nakumbinse ko siya."
Ngumiti si tita at hinawakan ang buhok ko.
"Sinabi niya sa akin na sobrang nagulat siya dahil sa naging aksyon mo at kung paano mo pinaglaban ang side ni Kai," marahan pa rin nitong sabi."Pasensiya na po tita. Gusto ko lang po talaga mapasaya si Kai." Nahihiya kong pagpapaumanhin, "Hihingi na lang po ako ng sorry kay Ma'am Dariella kung pakiramdam niya ay nabastos ko siya."
Mahinang tumawa si tita. "No hija. Sa totoo lang humanga sa'yo si Mama." Nakangiti nitong sabi.
"P-po?" Gulat kong sabi at kumunot ang aking noo.
"She said that you're brave and genuine woman. " Pagpapaliwanag niya pa, "Alam mo, mabait naman si Mama. Kaso lang pressure rin 'yun sa pagpapatakbo ng business kaya napapasa niya rin 'yun kay Kai. Pero alam ko na kung may choice naman ay hindi niya ito gagawin sa apo niya. Wala lang talagang tutulong sa kanya at isa pa matanada na siya," paliwanang ni tita.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...