Kabanata 17

69 27 0
                                    

"Grabe! Hindi ako makapaniwala sa balitang ito!"  Gulat na reaksyon ni Steph sa akin nang pahintulutan ko si Dhalia na ikwento sa dalawa ang mga nangyari kabilang na ang tungkol sa tatay ko at kay Mrs. Lorenzo.

Hindi ako sanay dahil first time ko ipaalam sa kanila ang totoong nararamdaman ko pero simula ngayon gusto ko na maging open sa kanila.

"Mabuti na lang at nandoon si Kai nang mangyari 'yun," si Hans naman. "Paniguradong mahirap ito para sa'yo lalo pa at matagal mo tinago."

"T-tinaboy ko 'yung taong nasa tabi ko during that t-time." Parang nawawalan na ako ng pag-asa. Naging triple yata ang bigat na nararamdaman ko.

Nakita ko na malungkot akong tinitigan ng aking mga kaibigan. Nakaupo kami sa garden ngayon dahil niyaya nila ako kanina nang makitang nanghihina ako.

"P-pano na 'to?" Tanong ko sa sarili. "H-hindi ko siya matatawagan o ma-tetext?" Parang nababaliw na ako dahil sa frustration.

Walang lumalabas na luha sa mga mata ko pero nasasaktan na ako. Naubos na yata ang mga likidong ito dahil sobra na ang naiyak ko sa mga nakalipas na linggo.

"Makakausap mo rin siya, Carm. Siguro pabayaan muna natin si Kai. Tao rin 'yun at napapagod.Bigyan natin siya ng privacy kung 'yun nga ang gusto niya." Malungkot man ay tama si Steph.

Una sa lahat, ako naman ang nagsabi sa kanya na huwag akong kakausapin. Pero swear, pinagsisihan ko 'yun. Nalaman ko na hindi ko pala kaya nang hindi siya nakikita at nakakasama.

BAKIT BA HINDI AKO NAG-IISIP?

"Bakit naman kasi ang bilis? I mean may process 'yun 'di ba? How about the deans, the president? Pumayag kaagad sila na mag-homeschool si Kai? My goodness! He is a dean lister and I'm sure he's also running for latin honor!" Hindi pa rin makapaniwala si Marigold dahil nangyayari ito.

Hindi ko siya masisisi dahil mas higit ang nararamdaman ko sa kanya.

"Ang lola niyang si Ma'am Dariella ay malakas ang impluwensiya sa university na ito. Bukod sa kaibigan niya ang mga executive directors at deans.Malaki ang ambag niya sa university na ito sa pagpapatayo ng iilang mga buildings noong dito pa nag-aaral si Tito Darius." Paliwanang ni Hans sa kanya.

Everyone sighed.

"H-hindi ko yata kaya ito," malungkot kong sabi.

Hinawakan ni Wes ang balikat ko.
"Maaayos din ang lahat, Carm. Hindi magugustuhan ni Kai kapag nalulungkot ka," mahinang banggit nito at nararamdaman kong nalulungkot din siya para sa akin.

Naiinis ako sa sarili. Bakit hindi ko man lang siya natulungan sa lahat? Bakit sarili ko lang ang inisip ko sa araw na 'yun? Bakit hindi ko man lang naitanong kung ano ang gusto niyang i-kwento? Nasasaktan ako kasi ayaw ko na nalulungkot siya. Hindi ko kakayanin kapag nanghina ang katawan niya dahil sa stress at pressure. Mas lalong ayaw ko siyang nasasaktan.

Pero kailangan ko na yata ipa-check ang utak ko. Sinaktan ko siya at hindi ko nagawang iparamdam sa kanya na may taong nagmamahal at gustong mag-alaga sa'kanya. Sa halip ay tinaboy ko siya at pinagkaitan ng masasandalan.

Isa sa mga natutunan ko sa pangyayaring ito na hindi talaga maganda ang kalalabasan kapag nagpadala tayo sa emosyon. Ang pinaka-nakakatakot na kalaban talaga ay ang sarili. Dahil may mga panahon na mahihirapan ka kontrolin ang pag-iisip at nararamdaman mo na pwedeng magresulta sa pangyayaring mas lalo ka lang masasaktan at mahihirapan.

Nakita ko ang schedule namin ngayong second semester at lumuwag bahagya ang pagkakahinga dahil hindi namin professor si Ma'am Lorenzo.

Mabuti naman! Hindi ko alam kung paano lalabanan ang sarili para pakisamahan siya bilang isang professor.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon