Hindi na ako kumatok at tumuloy na kaagad sa kwarto ni mama. Pinagmasdan ko ang paggalaw ng kaniyang likod habang yakap-yakap ang nasisiguro kong litrato nila ng ama ko.
Mahina siyang humihikbi.
"Ma?" walamg emosyon kong tawag.
Natigil siya at mabilisan akong hinarap. Gulat pero kaagad siyang kumilos para lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit .
Hindi man lang pinunasan ang luha kahit na sinabi ko sa kanya noon na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak dahil sa magaling kong ama.
"Bakit ka umiiyak?" Wala pa rin akong ekspresyon pero tinutugon ko ang mahigpit niyang yakap. Ayaw ko iparamdam na apektado pa rin ako.
"Anniversary sana namin ngayon ng papa mo anak," humihikbi niyang sabi. "Kaso hi-"
"Hindi ikaw ang mahal niya." Ako na ang tumuloy sa nais niyang sabihin.
Binitawan niya ako bago niya pinunasan ang kanyang luha, "Pasensiya na, anak. Ngayon na nga lang tayo nagkita ito pa ang naabutan mo."
Tinulungan ko siya mag-punas ng luha at ngumiti, "Ayos lang, ma. Naiintindihan ko."
Ilang taon na akong mulat sa katotohanan. Minsan, paulit-ulit na lang ang kwento ni Mama tungkol sa tatay ko tsaka sa istorya nila kaya nakakasawa at nakakainis na. Pero ayaw ko ipakita kay mama ang nararamdaman ko dahil baka madagdagan lang ang lungkot na dinadala niya sa loob ng twenty years matapos siyang iwan ng kauna-unahang minahal niya.
Kung bakit gusto kong magtago sa realidad ay dahil nagagalit ako sa kwento ko. Hindi ko matanggap na nabuo ako dahil malungkot lang ang tatay ko. Kaya minsan naiisip ko, kaya siguro hindi nagtatagal ang tunay na kasiyahan sa akin dahil kalungkutan ang bumabalot sa papa ko habang ginagawa ako at si Mama naman noong pinagbubuntis niya ako.
Napailing ako sa naisip. Naaawa sa sarili lalo na kay Mama.
"Naalala ko pa anak na binibigyan niya palagi ako ng bulaklak tuwing susunduin niya ako sa trabaho. Sobrang saya ko noon dahil nararamdaman ko talaga na mahal niya ako." Nag-umpisa na namang mag-reminisce si Mama. At ako naman nakikinig na lang. Ilang beses na niyang kinuwento 'to at ilang beses na rin akong naiinis sa tatay ko.
Sinubukan ko namang intindihin, eh.
Ilang beses kong sinubukan. Pero masisisi niyo ba ako? Hanggang ngayon kita ko 'yung sakit na nararamdaman ni mama dahil sa lalaking 'yun. Until now, I don't understand why? Ang daming bakit. Ang lungkot lang ng story nila ni Mama at ako ang nasasaktan dahil ako ang bunga ng tragic story na meron sila.Nakatulog na lang si Mama kakaiyak kaya ang ending ako pa rin ang mag-isang bumaba at naabutan si tito na naghahanda na ng aming tanghalian.
"Ano? Stress ka sa mama mo, no? Nako ako rin! Sabi ko nga sa'kanya itapon na niya lahat ng ala-ala ng tatay mo para maka-move on na siya. Lagi na lang kasi kapag day off niyan o kaya pag-uwi galing sa opisina yakap-yakap ang litrato o kaya gamit no'ng lalaking iyon!" Nag-umpisang mag-rant si tito sa akin dahil nga raw walang araw na hindi naaalala ni mama ang mga memories nila ng tatay ko.
Malalim akong huminga at malungkot na umiling, "Wala eh! Totoong minahal ni mama," marahan kong sabi. "Gano'n talaga siguro kapag nagmahal ka nang totoo tapos 'yung minahal mo hindi naman totoo ang nararamdaman para sa'yo. Habang buhay mong babaunin 'yung sakit dahil mahirap gamutin ang sugat. Ito 'yung sugat na mahirap maghilom dahil walang gamot na pwedeng inumin. Walang doktor ang pwedeng tumulong, at walang pain reliever na pwedeng makapag-alis kahit saglit lang ng sakit. Kailangan mo talagang maghirap dahil hindi ka man nito papatayin physically, unti-onti ka namang manghihina emotionally kaya madadamay lahat ng aspeto ng buhay mo."
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...