Kabanata 9

66 26 1
                                    

Pinaalalahanan ko ang sarili na maging maayos at normal ang pakikitungo kay Kai mamaya pagkatapos kong magisip-isip nang matagal kagabi.

UGHHHH!!ANO BA ANG NANGYAYARI SA AKIN?

Mabagal ang pag-baba ko sa basement. Nag-text si Kai na malapit na siya at ayaw ko siyang paghintayin kaya naman nag-desisyon na akong bumaba.

Para akong nakalutang habang iniisip ko pa rin ang nabubuong teorya sa isipan kagabi. Marami akong nakalap na ebidensiya para sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang ipanglalaban ko roon! HAYS!

Hindi ako pwedeng mag-conclude kaagad!

Baka nadala lang ako dahil mabait siya sa akin at na-comfort niya ako. Idagdag mo pa na siya ang dahilan kung bakit nawala ang mabibigat na pakiramdam ko nitong mga nakaraang linggo.

Kailan lang naman kami naging close 'di ba? One month pa lang yata? At maraming nagsasabi na mas mabilis daw ma-inlove ang lalaki kaysa sa babae.

Teka!Bakit ko naman iniisip kung sino ang mas mabilis ma-inlove?

PERO PAANO NAMAN 'YUNG NARARAMDAMAN KO NOONG HINDI PA KAMI CLOSE? MATAGAL KO NA SIYANG SINUSUBAYBAYAN!

Minsan pa nga no'ng may mag-tanong sa akin kung pwede manligaw, siya kaagad ang naisip ko kaya naman ni-reject ko kaagad 'yung IT student na 'yun.. Langya naman 'di ba? Hays. Nababaliw na yata ako.Kakabasa ko 'to eh!!

STOP NA CARM!! HINDI HEALTHY SA MENTAL HEALTH  YAN.

Para akong nagising nang makita ko ang kotse ni Kai.

Marahan kong sinulyapan ang ayos ko ngayon. Nakaripped maong shorts ako at tinack-in ang loose baby blue and white stripe shirt ko. Tama lang naman lagi ang iksi ng short ko, kaya comfortable ako palagi. Sinuot ko rin ang white korean sneakers ko pati ang korean small backpack. May mga damit naman ako sa amin kaya cellphone, charger, at mga pang-ayos lang sa mukha ang dala ko.

Nakapony-tail ang buhok ko at naka-ayos na rin ang mukha sa parating ayos nito.

Hawak-hawak ang paper bag na ang laman ay regalo kay tito, marahan akong naglakad papalapit kay Kai.

Hindi ito lumabas sa mamahaling niyang sports car kaya naman pumasok na kaagad ako nang malaman na hindi naman naka-lock ang front seat.Babati na sana ako kaso lang nakita ko siyang nakahilig ang ulo sa manibela at nakapikit ang mga mata nito.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot at awa para sa kanya.

Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang ulo at hinaplos ang kanyang buhok.

Tama lang ba na niyaya ko siya? Baka kailangan niya ng tulog?

Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo kaya naman napaayos ako ng upo doon lang napagtanto na ang weird ng kinilos ko.

NAKAKAHIYA! ANO BA ANG GINAGAWA MO CARM? !

Ngumiti ito sa akin at itinapat na naman ang kanyang kamao kaya agad ko itong tinugon.

Kailangan maging masaya ang araw na ito sa kanya.

"Good morning!" Masayang bati ko at binalewala ang paulit-ulit na naisip ko kagabi.

"Good morning. Pasensiya na ah, nakaidlip ako."  Natatawa niyang sabi at kumamot pa ito sa ulo.

"Ayos lang. Ahmm, thank you at sumama ka pa rin kahit mukhang puyat ka."

Hinawakan niya ang manibela at unti-onting pinaandar ang sasakyan.

"Ayos lang. Masaya nga ako at niyaya mo ako." Sincere niyang sabi.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon