Kabanata 22

78 26 0
                                    


"Papunta na ako, Babe! Magbihis ka na." Demand ko kay Carm.

"Ano ka boss?" Natatawang tanong nito.

"Please?" Malambing kong pakiusap.

"Oo na! Oo na! Just focus while you're driving!" Aba! pinagalitan pa ako.

"Okay. I love you." Sabi ko.

"I love you too. See you."

Binaba na niya ang phone. December 24 ngayon at nakiusap ako kay Tita, sa mama niya na hihiramin ko muna siya saglit at dadalhin ko siya sa church. Gusto ko sabay kaming magpasalamat Kay Lord. Hahatid ko rin naman siya mamayang gabi.

Alas-dos na nang makarating ako sa kanila. Nakasuot siya ng pantalon at naka-tack in ang loose shirt niya. Naka-black sneakers at nakapony-tail ang kanyang buhok katulad dati at may suot na sling bag. In short, maganda siya hahahaha.

Nakasuot naman ako ng v-neck shirt at jeans kapares ang brown ankle martin boots.

Nagmano ako kay Tita at Tito bago magpaalam, "Hahatid ko rin po siya kaagad." Maligaya kong sabi.

"Okay, sige. Mag-iingat kayo!" Paalala ni Tita.

Sinakay ko siya sa aking kotse at pinaandar 'yun.

"Pumayag sila Mama na doon mag-celebrate ng New Year sa inyo. Pero ano ang pagkain na dadalhin namin?" Tanong nito sa akin.

"Wala na. Presensiya niyo lang daw ang kilangan sabi ni Lola." Sagot ko.

"Hindi ba unfair 'yun?" Tanong niya kaya umiling ako.

"Pagbigyan na natin si Lola. Madalas kasi 'yun mag-drama!" Natatawa kong sabi.

Kumunot ang noo niya.

"Mag-drama?"

"Oo! Kapag hindi nasusunod ang gusto niya,sinasabi niya lagi na matanda na siya at baka hindi na mag-tagal." Nalungkot bigla ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni Carm sa kamay ko.

"Okay, sige. Hayaan na lang natin si Lola at sundin ang gusto niya." Ang boses nito ay nagko-comfort.

Pumasok kami sa simbahan at sabay na nanalangin at nagpasalamat sa lahat ng biyaya na natanggap namin. Madalas kasi puro pag-hingi lang ang pinagdadasal natin at nakakalimutang magpa-salamat sa walang hanggang pag-ibig at biyaya Niya para sa atin.Kaya naisipan ko na isama si Carm ngayon para ipagpasalamat ang lahat.

Pagkatapos ay niyaya ko siya sa bayan para kumain. Magkahawak ang aming kamay habang naghahanap ng pagkain na nakapalibot lamang sa kalye.

"Anong pinagpasalamat mo?" Tanong niya sa akin.

"Marami," sagot ko.

"Like?"

"Blessings, achievements, family, 'yung successful business namin, tapos ikaw. " Sagot ko ,"Tsaka lahat ng pinagdaanan kong problema this year." Dagdag ko pa.

"Problema? Pinagpasalamat mo?" Tanong ni Carm.

Tumawa ako bago sumagot. Pinaglalaruan ko ang mga daliri niya.

"I believe that every struggles are blessing in disguise. " Nakangiti kong sabi sa kanya, "Failures, circumstances, problems, frustrations, pressure or any negativities can teach us how to become better version of ourselves. So I think I need to thank God for trusting me to experience all of that."

Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya kahit pa madilim na. Binitawan niya ang kamay ko para yakapin ako kahit nasa gilid ko lang siya.

"Haaaayy! Thank You Lord for having  a man like this!" Sabi pa nito sabay tumawa.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon