Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa kanilang garden. Malawak ito at puno rin ng mga bulaklak katulad kanila Steph. Pero mas nangibabaw ang pula at mga puting rosas. Mabilis ko itong pinuntahan at marahan na hinawakan. Naalala ko bigla ang boquet ni Ma'am Lorenzo kaya umasim ang mukha ko.
Umalis kaagad ako roon at umupo sa may kahoy na upuan katapat ni Kai. May kahoy na lamesa sa pagitan namin. At dahil nakasilong ito sa malaking puno, hindi kami maiinitan kahit tirik ang araw.
"Haaayyy! ang peaceful naman dito!" Sabi ko habang tumitingala. Naramdaman ko ang titig ni Kai. "Nga pala, Kai. After Undas 'yung booksigning ah. Sasamahan mo ako 'di ba?" Tanong ko at tiningnan siya.
"Yes. Anong oras nga ulit?" Tanong niya.
"Nakasulat sa ticket 4:00 pm, eh. Malapit lang 'yung lugar na pagdadausan sa bahay namin kaya saktong doon na lang tayo magkita dahil sa Undas uuwi naman ako kila mama at tito." Paliwanag ko.
Tumango naman siya. "Nabasa mo na ba ang mga librong nabigay ko?" Tanong niya.
"Actually,hindi pa. Hindi na ako nakakabasa sa mga nakalipas na araw dahil busy sa school."
Naalala ko 'yung pinaalala ng asawa ni Ma'am Lorenzo sa akin na ang dapat babasahin ko ngayon ang librong paborito ni J.V.L. Kaka-published pa lang niya nito pero paborito niya kaagad? Ang galing naman no'n. Gusto ko pa rin basahin ang The Woman in my Sadness na 'yun kaso lang busy talaga sa acads.
"Hmm kaya pala." Maikling sabi nito.
"Anong kaya naman pala?" Kunot-noo kong tanong.
"Kaya naman pala hindi ka na nagkukwento ng mga fictional characters dahil wala ka pang bagong lalaki." Akusa niya sa akin kaya natawa ako.
"Seloso!" Ako naman ang nang-akusa.
Nagkibit balikat ito at ngumiti. Nagkwentuhan pa kami at nagtawanan. Madami kaming pinagkwentuhan at kahit ang mga memories nila ng Daddy niya noon ay nasabi niya rin. May lungkot pa rin sa mata niya pero nakikita ko na sinusubukan niyang pasayahin ang pagkukwento. Ako naman ay buong pusong nakinig sa mga sinasabi niya kaya hindi ako na-boring.
Alas-kwatro na ng hapon at nagising sila Kaira at Tita. Pumunta kaagad sila sa amin at sinabayan kami sa pagmemeryenda.
"Anong gusto mong laruin, Kaira?" Tanong ko sa'kanya habang nginunguya niya ang cookies.
"Anything, ate. Basta kasama sila Mommy at Kuya mag-play." Napatingin ako kay Tita dahil sure ako na hindi ito makikipag-laro. Pero laking gulat ko dahil pumayag siya.
Naglaro kami ng batuhan bola. Kakampi ko si tita samantalamg kalaban namin sina Kai at Kaira.
Nauna kaming babato ni Tita. Agad kong ninais na tamaan si Kai pero mabilis itong umilag. Maging si tita ay natatawang gustong tamaan ang anak pero mabilis ito kaya hindi namin mabato ang bola sa'kanya.
"Ang daya niyo! Bakit ako lang gusto niyo tamaan?" Natatawang reklamo ni Kai.
"I'm saling pusa kaya, Kuya!" Sagot naman ni Kaira at natawa ako. Magkakasundo sila ni Marigold dahil parehas silang magsalita hahahahah.
Nang dumating ang punto na kami naman ang babatuhin ay ako ang gustong puntiryahin ni Kai. Tumatawa lang kami ni Tita habang umiiwas sa mga bato nila ni Kaira.
Naging ganon ang pangyayari sa mga sumunod na Linggo. Every weekdays papasok sa school at gagawa ng Case Study. Kapag Sabado naman ay pupunta ako sa kanila para laruin ang mag-iina. Nakakaloka nga eh pero masaya kasi nakikita ko na nag-eenjoy sila. Pero umuuwi rin naman ako kaagad dahil may kailangan gawin palagi si Kai at tutulungan ko sa school works ang mga kaibigan. Mas naging close kami ni Kai at habang tumatagal, nakukumpirma ko naman ang nararamdaman ko para sa lalaking 'yun. Si Kaira at Tita ay naging malapit din sa akin. May isang araw pa nga na sinama ko silang dalawa sa mall kasama si Marigold at Dhalia. Lalong sumaya si Tita dahil sa kadaldalan ng mga kaibigan ko. May isang Linggo naman na umuwi ako kila mama at tito para kumustahin sila pero nauwi lang din sa pang-aasar dahil sinabi ko na nagkakamabutihan na kami ni Kai.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...