Kabanata 7

80 27 1
                                    

Nangako ako sa sarili na hindi ako tutulad kay mama. Siguro wala pa nga akong karanasan sa romantikong pag-ibig, hindi ko rin alam ang pakiramdam at galawan sa ganong bagay. Ilang taon na akong nabubuhay sa mundo pero sa mga fictional character lang ako naka-focus at hindi sa mga lalaking nag-eexist. Pero ang katotohanan, kapag nagbabasa ako ng mga fictions hindi ko maiwasang isipin na sana maging ganon din ang lovestory ko. Karamihan naman kasi sa babae hahangarin na magkaroon ng isang matinong lalaki na magmamahal sayo ng totoo, tatanggapin ka at hindi ka iiwan ano man ang mangyari. Ang lalaking kahit sa anong sitwasyon nandiyan sa tabi mo para yakapin at intindihin ka.

YES, WALANG PERPEKTONG LALAKI. PERO MAY LALAKING TOTOONG NAGMAMAHAL AT ANG PAGMAMAHAL NA 'YUN ANG MAGIGING DAAN PARA MAIPARAMDAM NIYA SA'YO NA MAGANDA ANG BUHAY.

Hindi naman lahat katulad ng tatay ko. Pero isa sa mga pinangako ko sa sarili, hindi ako tutulad kay mama na magpapakabaliw sa pag-ibig. Lalo na kay papa, ayaw kong maisip na umiibig ako dahil lang sa malungkot ako.

DAHIL KAPAG NAGMAHAL AKO, SISIGURADUHIN KO NA MAHAL KO SIYA DAHIL MAHAL KO SIYA. PERIOD.

"Okay ka lang, sis?" Tanong ni Marigold sa akin.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa nagdaang mga araw ay puro ganon na ang naiisip ko. Parang biglang bumukas ang puso't isipan ko sa topic na 'yun.

Noong nakaraang araw nga, inisip ko kung handa na ba ako sa relasyon? Parang ewan 'di ba? Wala naman akong manliligaw pero bakit ganon?

Masaya naman kasi ang mga nagdaang linggo sa akin. Every weekdays, nasa school ako kasama ang mga kaibigan at ang mga bago naming recruit sa squad. Sila Steph,Hans at Kai. Palagi na silang sumasama sa amin and as I expected, mas sumaya ang grupo. Kumakain kami sa cafeteria ng sabay, minsan sa labas ng school at tumatambay sa mall after ng class. Every Saturday naman ay sinasamahan namin ng girls ang boys para magpractice. Sumasama lang ang timpla ko sa titig ng Forteza na 'yun.Pero sa hapon ay gagala ulit kami.Naging madalas ang pagtawa ko nitong mga nakaraang linggo at kapag kasama ko sila ay nakakalimutan ko talaga na may sugat pa ako na iniinda, emotionally. Kapag mag-isa na lang at kung matutulog na, maiisip ko pa rin naman ang tungkol sa papa ko at ang nararamdaman ni mama kaya naluluha at nasasaktan ulit ako.Pero mabilis itong nawawala dahil nagte-text si Kai o kaya tatawag siya para aliwin at asarin ako.

Pero ang nakakapag-taka, may mga pagkakataon na pagka-gising ko sa umaga magugulat ako dahil may mensahe siyang iniiwan sa akin, kung hindi alastres ng madaling araw ay alaskwatro na madalas. Pakiramdam ko tuloy hindi siya natutulog. Pero masigla naman siya pagdating ng umaga. Kaya ang weird lang.

"Sis?" Tawag ulit sa akin ni Marigold.

"Oh?" Mahina ko siyang tinugon.
"Ayos ka lang?" Tanong niya.

"Ah. Oo bakit?"

"Tulala ka kasi, sabi ko tara na. " Inayos niya pa ang mukha sa salamin.

Niyaya niya kasi ako mag CR bago pumunta sa next class namin kaya pumayag ako at pina-una na ang ibang kaibigan. Umihi siya at nag-retouch ng mukha.

Nagmadali kami sa pagpasok para sa last subject namin sa araw na ito.

Mabilis kong binuksan ang pintuan sa harapan dahil five minutes late na kami. Unfortunately, may dini-discuss na ang prof namin.

Capital O.M.G!!

"Sir ayan na po ang partner ko."
Bumilis ang hiyawan sa loob ng classroom at kami ni Marigold ay nanatiling naka-tayo sa harap ng pintuan.
Tiningnan ko si Kai dahil sa kanya nagmula ang boses na 'yun.

"Oh? Are you sure? Si Ms. Saorsa o Ms. Miller?" Gulat na tanong ng professor sa harapan at nakatingin ito sa aming dalawa ni Marigold.

"Si Carm po." Tugon ni Kai kaya nagtaka ako.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon