Kabanata 6

85 27 1
                                    

"Ay frontal na malapad!"

Nagulat ako dahil may kumiliti sa tagiliran ko habang nagbabasa ako ng libro sa library.

Humalakhak si Kai at nagulat ako nang makita na nakayuko siya kaya malapit ang mukha namin sa isa't-isa. Para maka-bawi at hindi mahalata ang pag-init ng aking pisnge, kinurot ko ang sa kanya.

"Aray ko!" Reklamo niya pero natatawa pa rin.

"Shhhh. Huwag ka maingay!" Sabi ko sa kanya habang pinipisil pa rin ang pisnge niya,siya naman ay umuupo na.

"Hinanap kita sa cafeteria kanina pero wala ka roon. " Hinimas himas niya ang kanyang pisnge at pa-cute na nasasaktan. Tsk.

"Magulat ka kung nandoon ako tapos nandito rin ako." I said with full of sarcasm.

"Loko! Hinahanap ka na naman nila Wes. Alis ka nang alis tapos hindi ka nagpapaalam."

"Hayaan mo hindi pa naman ako makikipag-tanan. Babalik din ako." Mahina akong tumawa dahil sa sinabi.

Umiling ito. "Hindi ka naman maitatanan ng mga fictional characters na yan eh." At tinuro niya ang librong hawak ko.

Masama akong tumingin sa kanya at may naalala. "Malapad ba ang frontal ko?"
Tanong ko sa kanya at humalakhak ito dahilan para tumingin sa amin ang ibang estudyante.

Nilakihan ko siya ng mata para tumigil.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko at naiinis na.

"Natawa ako sa part na sinabi mo ang frontal hahaha!" Humawak pa ito sa tiyan niya. "Palong-palo sa pagiging Psych ah. Hindi na lang sabihing noo o forehead. Frontal pa ang nais!"

Natawa rin ako sa sarili at inambahan siya ng batok. "Ano nga? Sagutin mo na!" Pagpupumilit ko.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin kaya inurong ko ang sarili. Pero dahil naka-upo ako ay limitado ang pag-bend ko.

Parang balewala lang ang lamesang nasa pagitan namin dahil naabot niya ang noo ko at hinawakan ito.

Tumawa siya sa reaksyon ko. NAPAKAKULIT!!!

"Hindi naman. Bakit?" Tanong niya.

"Ay ganon. Hahahhaha. Wala lang, iniimagine ko kasi na ako 'yung babaeng nasa kwento tapos inaasar siya ng lalaki na malapad ang noo. Kunware pa itong lalaki eh may gusto rin naman sa babae, binubully pa." Para akong nagra-rant sa kanya.

"Syempre may mga taong gustong makuha ang atensyon ng taong gusto nila. Siguro nahihiya pa ang lalaking bida diyan na iparamdam na iba na ang feelings niya kaya naman dinadaan muna sa pang-aasar." Matiyaga niyang paliwanag sa akin.

Kunwareng pinalakpakan ko siya.
"Paano mo nalaman?Bakit ikaw ba ang writer ng librong ito?" Kumunot ang noo niya bago ako magpatuloy," Hmm. Or baka base on experience?" Tanong ko.

Tumaas ang kilay niya at nag-smirked.
"Siguro." Sagot niya at mas tinitigan ako. "Siguro base on experience."

Ngmiwi ako sa sagot niya. "Sa dami ng inaasar mo sino doon ang gusto mo?" Tanong ko sa kanya at tuluyan nang isinara ang libro.

Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi at tumaas ang kanyang kilay.

Tingnan mo 'to. Nag-iisip pa! Hays.

"Hindi mo gugustuhing malaman." Sabi niya sabay kindat.

"Bakit? Eh obvious naman na si Jillian 'yung gusto mo." Singhal ko sa kanya pero natigil dahil hindi ko alam kung saang imburnal ko hinugot ang mga salita.

Ughhh! Nakakahiya.

Pinanliitan niya ako ng mata at tinatago ang ngiti.

Huwag ka magpa-cute dahil effective. char!

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon