"Are you ready for tomorrow?" tanong ni Kai habang papunta kami sa kabilang building para sa next class. Sabi niya hintayin ko raw siyang matapos at sabay na kami pumanhik sa classroom. Kaya naman pinagbigyan ko na, maganda ako eh! Charot!
"Yeah. Ikaw?" tanong ko pabalik. Hawak hawak ko ang strap ng Korean back-pack ko habang naglalakad.
Hindi ako sanay na maka-sabay siya mag-lakad! Pero kaklase ko naman kasi siya at may isa't kalahating taon pa kami magsasama kaya dapat sanayin ko na ang sarili ko.
Luh? As if naman na may kasunod pa 'to hahahahah. Assumera ka ghurl?
"Actually, hindi pa. Masyado akong busy ngayong week eh. Pero mamayang gabi aaralin ko," sagot nito.
"Luh busy ka? Kakatapos lang ng midterm natin ngayong sem ah. Wala pa naman tayo masyado ginagawa bukod dito sa major natin." Nagtataka lang ako, busy raw siya. Halos wala pa nga kami pinagkakaabalahan dahil pinagpapahinga pa kami ng mga prof except sa major namin.
Nakita kong huminga siya nang malalim bago magsalita, "Kayo ang hindi busy. Ako? Lagi akong busy." May diin sa sinabi niya kaya sinulyapan ko siya habang nagtataka.
"Never mind. Aaralin ko 'yun, Carm, kaya don't worry because Kai is very responsible!" mayabang niyang sabi at taas noo pa itong nagmalaki sa akin.
Inismiran ko siya, "Okay sabi mo eh."
"Ayan! Kayong mga babae puro okay lang sagot niyo pero deep inside hindi kayo naniniwala sa amin!" kunware pang nagtatampo.
Natawa ako. Lakas din ng trip nito eh.
"Mga babae," pagbibigay diin ko sa sinabi niya. "Daming babae ah!" pang-aasar ko.
Umasim naman ang mukha nito na ikinatawa ko pa.
"Mga babae nga! Hindi ko sinabing mga babae ko! Yikies! Iwww!" Nagkunware pa itong nandidiri, " Mga babae ko! Yuck!"
Natawa ako at tinuro ang mukha niya.
"Ang pangit!" panunuya ko kaya nalukot na ang mukha niya, "Char lang!" pagbawi ko kaagad.
Ngayon ko lang na-realize. Magaan pala siya kasama.
Agad kaming pumasok sa classroom at pumunta na ako sa mga kaibigan dahil for sure maya-maya lang ay nandoon na ang professor namin.
"Oh sis? Kumusta bonding niyo ni Kai?" Makahulugang tumingin ito sa likod kaya sinundan ko ang tingin niyang diretso kanila Kai. Nakita kong hinahampas siya ni Hans samantalang si Steph ay kinikiliti pa. Nakikisabay naman siya sa tawanan at kakulitan ng dalawa.
Napailing ako bago sagutin ang kaibigan, "Anong bonding?" inosente kong tanong.
"Don't tell me na walang bonding! Sabay kayo pumasok oh!" pang-aasar ni Marigold.
"What? Ano pinagsasabi niyo?" tanong ko pa.
Parang mga ewan eh!
"I thought you're going to talk to each other unlike before na iwas na iwas kayo sa isa't isa. Ngayon kasi, nagka-quality time kayo, e 'di more chikahan! Oemgyyy that's sweet!" Kinikilig pa habang nang-aasar si Marigold at mukhang agree naman si Dhalia.
Nagsisisi talaga ako kung bakit pumayag akong pumagitna sa dalawang ito.
"Oh Carm nandito ka na pala!" Mukhang nagulat pa si Jek nang makita ako. Kagagaling niya lang sa pagse-cellphone.
"Ay hindi aparisyon ko 'to! Ayan, babe time pa more!" sabi ko at tinarayan siya.
"Siyempre! Patay na patay ako rito sa baby ko eh!" natatawa niya pa akong sinabayan sa kalokohan.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...