Kabanata 20

76 27 0
                                    

"Huwag na sad. Hmm wala kang lollipop, sige ka!" Natatawa nitong pang-aasar sa akin.

Hinampas ko siya at inirapan.

"Epal mo!" Sabi ko pero natatawa rin naman.

Tinawanan niya lang ako kaya naman mas lalo ko siyang tinarayan. "Tara na para makakain ka na!" Kinuha niya ang kamay ko at muli itong hinawakan pagkatapos ay dumiretso na sa dining.

"Hoy! bakit ang tagal niyo? Anong ginawa niyo sa dilim?" Mapang-asar na tanong ni Dhalia.

Napangiwi ako sa tanong niya. 'Yun talaga ang bumungad sa amin no?

Nakakahiya kanila Tita at Kaira kaya naman pinandilatan ko ng mata si Dhalia at tumawa lang ito.

"Halina kayong dalawa. Kumain na tayo." Paanyaya ni Tita at tinawanan na lang ang inakto ng aking kaibigan.

Nagdasal kami bago umpisahan ang pagkain, pagkatapos ay sama-samang pinagsaluhan ang nasa hapag at masayang nagkwentuhan.

"Nako! Sobrang saya ko dahil ang dami natin ngayon. Sigurado akong masaya si Darius dahil sa nangyayaring ito!" Masayang wika ni Tita sa amin.

Nginitian ko siya at tiningnan din si Kai na ngumiti na lang din.

Nilagyan niya ako ng pagkain sa aking plato at nakinig na lang sa mga kwentuhan sa pagitan nila Tita at mga kaibigan ko.

Nakita ko rin na tinutulungan ni Tita si Kaira na kumain. Kabaliktaran sa nagagawa niya noon. Masaya ako dahil finally, naghilom na rin ang sugat sa puso ni Tita.

Sana ako rin!! Sana matuto na akong magpatawad.

Alas-otso na nang matapos kaming mag-hapunan at nagdesisyon ng umuwi. Hindi na ako nagpahatid kay Kai at sinabing tapusin na lang niya ang kanyang ginagawang activities. Hindi na ito nagpumilit at inintindi ang sinabi ko.

Pagkauwi ko naman ay tinext ko siya para malaman niyang ligtas at buo akong nakauwi hahahaha.

Carm: Got home:) Study well. Muaaaahhh.

Ngumiti ako sa message ko at hindi na hinintay na mag-reply siya dahil agad akong naligo at nagbihis.

Nabasa ko na lang ang reply niya nang humiga na ako sa kama.

My Kai: Good. Tinatapos ko lang 'yung activity na 'to. Heart you."

Natawa ako sa reply niya at tiningnan nang paulit- ulit ang mensahe.

"Luh? Ang harot!" Pang-aasar ni Dhalia.

"Yieee! You are kinikilig!" Sabat pa ni Marigold bago nito kumutan ang sarili.

Tinawanan ko na lang silang dalawa bago mag-type ng reply.

Carm: Matulog ka na kaagad after. I need to sleep na. Goodnight.

Agad itong nagreply.

My Kai: Goodnight babe! Mahal kita.

Carm: I love you too. *hugs*

Itinabi ko ang aking phone bago magdasal para magpasalamat sa lahat at hilingin ang matagal nang hinhingi kay Lord.

Mabilis na lumipas ang araw kaya naman nang sumapit ang Sabado ay naisipan kong bumisita kila Mama at Tito. Nagpaalam na ako kay Kai at mabilisan naman itong pumayag. Sinabi rin niya sa akin na kailangan niyang alalayan ngayon si Tita dahil nag-uumpisa na itong pumalit sa kanya. Na-eexcite ako dahil papasok na siya sa Lunes.

Kumatok ako sa bahay at kaagad na pinagbuksan ni Mama.

"Hi Ma!" Masiglang bati ko sa kanya.

"Anak? kamusta ka?" Tanong nito habang niyayakap ako.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon