Kabanata 23

69 24 1
                                    

Inilapag ko si Carm sa kanyang kwarto at kinumutan.

Agad kong tinawagan si Mommy para ipaalam ang nangyari.

"Mom?" Natataranta kong sabi at nanginginig pa.

"Anak?Why?" Tanong nito dahil naramdaman siguro ang panginginig ng boses ko.

"H-hindi muna ako uuwi."

"B-bakit anak?" Tanong niya.

"Mom? Patay na si Tita. K-kailangan ko samahan si Carm!" Garalgal na ang boses ko

"Anooo?" Sigaw ni Mommy.

"Mom?" Naiiyak kong sabi.

"Anak? Please calm down! Kamusta si Carm? Si Gerry? Ano daw ang nangyari?" Sunod-sunod na tanong nito at parang gusto na rin maiyak.

"H-hindi ko pa po alam. Mommy, sorry. Carm needs me right now." Sabi ko.

"I-it's okay. Pupunta rin kami bukas diyan." Sagot nito, "Anak? Kumalma ka para kay Carm okay?" Paalala pa nito at tsaka ko binaba ang phone.

Tiningnan ko si Carm bago ang pagbukas ng pinto.

"A-ano po ba ang nangyari?" Tanong ko dahil hindi pa rin makapaniwala.

Umupo si Tito sa kama ni Carm habang natutulala siya.

"Pinatay ang ate ko!" Sabi niya at may halong galit ang tono kahit pa nag-uumpisa na namang tumulo ang luha niya. "Walang hiya ang taong 'yun!"

"S-sino po?" Tanong ko at naiiyak na rin.

"M-may lalaki sa lugar na 'to at gustong-gusto ang ate kaso lang ilang beses na siya nitong binusted dahil nga wala na siyang balak mag-asawa." Mahinahon pero may bahid ng galit na sabi ni Tito. "Drug addict pala ang baliw na 'yun!!! Tapos inabangan si Ate makauwi at balak sana gahasain kaso may nakakita sa kanyang tao! Ang kapal ng mukha at sa court pa talaga niya inabangan!! Akala niya walang dadaang tao doon! Napaka-engot!! " Medyo pasigaw na sabi ni Tito, "Hindi natuloy ang balak niya kaya bago pa makalapit ang taong nakakita ay sinaksak na ito sa p-puso!" Nabasag na naman ang kanyang boses kaya dali-dali ko siyang nilapitan para alalayan.

"A-akala ko maliligtas pa si Ate pero wala na." Tuloy-tuloy ang luhang umagos sa kanya ,"P-patay na.Hindi na humihinga!"

Tumulo na rin ang luha ko dahil sa awang naramdaman kay Tita, bukod pa roon ay nasasaktan lalo na sa nararamdaman ng mag-tito ngayon.

"N-nasan na po ang lalaking 'yun?" Tanong ko.

"Nahuli na! At sisiguraduhin kong magbabayad siya!"

Ilang oras ko ring binantayan si Carm habang natutulog ito pero nang magising siya ay pinakain ko ngunit tumanggi ito. Isang pangungusap lang ang binitawan niya.

"Ikwento mo kung bakit nangyari 'yun, Tito." Walang emosyon sa kanyang mukha at nakatulala lamang ito.

Napilitan si Tito na ilahad ulit ang pangyayari.

Mas lalong nadurog ang puso ko nang makita si Carm na tumutulo ang luha at wala itong emosyon na pinapakita. Tulala lamang ito habang nakikinig.

"N-nasaan na ang lalaking 'yun?" Tanong niya at blangko pa rin ang mukha.

"Nahuli na, Carm." Sagot ni Tito at pinipigilan na ang pag-iyak.

"Walang hiya siya!!! Dapat siya ang namatay!" Mahina pero may diin niyang sabi.

Agad kong niyakap si Carm pero hindi naman ito gumanti. Nanatili siyang nakatulala,marahil pilit na iniintindi kung totoo nga ba ang nagyayari.

Kinaumagahan dumating ang bangkay ni Tita kaya naman todo asikaso kami ni Tito sa mga gustong makipaglamay.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon