Kabanata 3

94 31 2
                                    

Gusto ko pang matulog pero kailangan kong lumabas sa kwarto  namin nina Dhalia at Marigold. Kahit kakatapos ko lang maligo ay inaantok pa rin ako. Alas- onse na yata kami nakauwi kagabi hays.

Tiningnan ko ang kwarto nina Jek at Wes dahil katulad naming girls ay nasa iisang silid lang din sila pero mukhang natutulog pa ang mga mokong.

Five o'clock pa lang ng umaga at alas-otso ang pasok namin. Mayroon lamang kaming twenty minutes para bumiyahe patungong school pero maaga talaga ako gumigising para maunang mag-ayos ng sarili at pagkatapos ay maghahanda ng breakfast namin.

Nagprito ako ng hotdog at inihanda ang tinapay sa lamesa. Gumawa na rin ako ng kape para sa amin nila Jek, Wes, at Dhalia. Pinagtimpla ko naman ng gatas si Marigold dahil hindi ito umiinom ng kape.

Ilang minuto lang akong nag-prepare ng agahan kaya umupo na muna ako sa lamesa dahil sigurado akong naliligo pa lang ang apat.

Nagdesisyon akong buksan ang mga social media accounts ko. Inuna ko ang pagtingin sa facebook. Nag-reply ako sa mga messages at nag-scroll sa news feed nang may biglang naalala.

Nagmadali ako sa pag-type ng pangalan ni Kai sa facebook para ma-stalk ko siya at kaagad ko namang nakita ang account niya. Seryoso ang mukha niya sa profile picture habang nakasuot ito ng tuxedo. Mas lalo siyang nag-mukhang gwapo sa ayos niya. Ang cover photo naman niya ay family picture nila kaya naman napangiti ako. Nakaupo sila sa mahabang sofa at nasa gitna ang Mommy niya habang kandong si Kaira, ang Daddy naman niya ay nasa kaliwa at siya ang nasa kanan, pareho silang nakahalik sa pisnge ng Mommy niya.

Nakakatuwa naman!

Titingnan ko sana ang mga post niya nang mapansin ko na nag-friend request siya sa akin. Agad nagising ang diwa ko dahil sa nalaman, sigurado kasi akong hindi siya recently nag-send ng request dahil hindi ito nag-notif sa akin noong mga nakaraang araw at kanina.

Kung gan'on, kailan pa kaya ito?!

Agad ko siyang inaccept at dali-daling nagtungo sa Instagram para doon naman tingnan ang account niya. Mas lalo akong nagising dahil naka-follow ako sa kanya! Kaya naman 'di na ako nagpatumpik-tumpik pa at kaagad siyang finollow back.

Nakakahiya naman! Bakit hindi ko napansin ito dati?

3.5K followers, 10 posts, 130 following.

Lahat ng post niya ay family picture nila o kaya picture ni Kaira. Nanliit ang mga mata ko nang mapansing last year pa ang huling post niya.

Hindi rin yata siya active sa socmed.

Binisita ko rin ang twitter niya at sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit halos kahat ng accounts niya ay nais kong puntahan.

2.7 K followers, 50 following

Hindi ako active sa twitter pero nag-follow back pa rin ako. Wala rin akong masyadong makikita sa twitter niya at last year rin ang huli niyang post.

"I am sure that time will pass, but I'm not sure if this wounds will be healed," kunot-noo kong basa sa last post niya.

Ano 'to mema? Mema-post o may pinanghuhugutan talaga siya?

Natigil ako sa pag-iisip nang lumabas na sina Jek at Wes sa kwarto nilang dalawa. Agad kong tinago ang cellphone at natawa sa isipan nang maalala ang pang-aakusa ni Kai sa akin noong nakaraang araw bilang stalker niya.

Mukhang nagkatotoo na ngayon ah!

Hindi na ako nagtagal pa sa pag-iisip at sinalubong na rin sina Dhalia at Marigold na mukhang sobrang ganda ng mood nang lumabas na rin sila sa kwarto.

"Good morning," bati ko sa kanila.

"Good morning!" masiglang tugon ni Marigold at marahan akong niyakap.

UNSEEN WOUNDS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon