Mabilis na lumipas ang araw at sumapit ang Biyernes. Nagusap- usap kami para sa Psychological Assement namin. Natapos din naman kaagad dahil mabilis kaming nagkasundo. Kaya naman ngayon ay nagkanya-kanya kami para sa Case Study.We need to do our best for this project. Kapag college life talaga, kailangan kahit medyo kulang ang ibinigay na oras sa inyo ng mga prof kailangan manindigan ka na matatapos mo ito nang maayos para sa maayos din na grades.
Mabuti na lang talaga at may grasya si Sir Julian at clearance day pa ang pasahan nito.
"I have a surprise for you!" bulong ni Kai sa akin.
Inutusan ko kasi siyang bumili ng makakain para habang nagbe-brain storming kami dito sa may garden ay kumakain kami.
"Ano na naman 'yan?" natatawa 'kong sabi pero hindi inaalis ang mata sa cellphone ko dahil nagbabasa ako para makatulong sa gagawin namin.
For the past days, inintindi at sinabayan ko ang kalokohan niya. Para sa akin, mas okay na makulit siya kaysa naman sa maging malungkot siya.
"Itigil mo muna yang ginagawa mo!" angal niya sa akin kaya naman tinigil ko ang pagbabasa sa mga PDF na nasa internet.
Umupo siya sa harapan at may kinuha sa bag niya.
Kumunot ang noo ko pero inumpisahan nang buksan ang pagkain na binili niya.
"Here." sabi niya sabay abot ng isang ticket.
Tiningnan ko ito at binasa nang mabuti.
Muntik akong mabulunan dahil sa nakita ko.
"B-book signing?" tanong ko.
Ngumiti siya at nagpa-cute
"N-nino?" tanong ko."Idol mo." sabi niya sa akin at parang blangko lang ang reaksyon.
Namamangha ko itong tiningnan ulit. At tama nga, kay J.V.L itong ticket na ito. Hindi ako makapag-salita at nagpapalit-palit lang ang tingin ko sa ticket at kay Kai.
"The last time you said that J.V. L, your favorite author is mysterious I tried to research about him. Hindi ako huminto sa paghanap ng about sa kanya tapos last time nakita ko na sa unang pagakakataon ay magpapakita na siya at magapapa-booksigning pa. So I clicked the link and booom! Pwede palang bumili ng ticket" paliwanag niya.
Ngumuso ako at pinipigilan ang pag-iyak!! Sobrang saya ko lang talaga! Talagang ini-stalk niya pa ang mga fan page or something about my favorite author.
What an effort!!!
Nilapitan ko siya para yakapain.
"Wahhhhhh!!! Why you're always like this?" medyo naluluha na ako. At mahihimigan ang sobrang pag-appreciate sa ginawa niya.Hinawakan niya ang braso ko na nakapulupot sa leeg niya. Nasa gilid niya ako habang siya'y naka-upo.
"I want you to be happy" sabi niya.
"Badtrip ka naman, oh!" singhal ko sa kanya. "Thank you" sabi ko pa.
Humalakhak siya.
"I bought two" mahina niyang sabi."Para sayo?" tanong ko.
Nagkibit balikat siya.
"Ibibigay ko din sayo. Baka may gusto 'kang isamang iba." nakangiti niyang sabi.Mas lalo niyang pinasaya ang puso ko. Bakit kailangan niya pa ng approval kung sino ang gusto ko isama. Siya bumili non eh.Tama lang na siya ang isama ko! Tsk
"Ikaw na." sabi ko.
"Talaga?" tanong niya.
Bumitaw ako sa pagkakayakap.
"Ayaw mo ba? Huwag na lang kaya!" pamimilosopo ko.
BINABASA MO ANG
UNSEEN WOUNDS [Completed]
Teen FictionCarmentis Ann Saorsa is a Psychology student who always want to escape from the reality of her life by reading stories written by his favorite writer. She has unseen wounds and Kairell Kolby Castro, the one who always watching her since then will d...