Prologue

45 9 5
                                    

Prologue

I walk pass through the rice fields while smiling. Tumalon-talon pa ako habang pinapadaan sa aking mga kamay ang bawat tanim na aking madadaanan. Mula dito ay tanaw ko ang mga batang masayang naglalaro sa di-kalayuan.

Ang simoy ng hangin ang madalas na nagpapaalala sa akin kung paano kita  nakilala. Tears rolled down my cheeks when memories of him flashed in my mind. I was blinded in seeking justice that I almost forgot about you.

I was about to cross the road ng may malakas na bumusina sa gilid ko. Napalingon ako doon at laking gulat ko ng may nakitang may mabilis na humaharurot na motor na ngayo'y makakasaga na sa akin. I froze for a moment as I crossed my arms in my face, as if I can defend myself from the large impact of a motorcycle.

I don't know what happened next but I found myself lying in the road. Kumikirot ang tuhod ko at nahihilo ako kaya napahawak ako sa ulo ko.

I saw a man walk towards me pero hindi ko maayos na makita ang kaniyang mukha dahil nanlalabo ang aking paningin. When my vision slowly adjusted, I saw a familiar face of a man, he's a constant passer by here.

"Miss, I'm sorry." Nag-aalala niyang sabi ng makalapit sa kinaruruonan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ang aking mga sugat. Alam kong mayroon akong sugat sa aking balikat dahil kumikirot ito ngayon at ganoon din sa aking paa.

Napahawak naman ako sa tuhod kong dumudugo kaya napatingin siya doon. He looked at me worriedly bago nagmamadaling bumalik sa kaniyang motor at may kung anong kinuha sa may upuan nito. It was a small box.

Tinulungan niya naman akong umupo sa may gilid ng daan at binuksan ang maliit na lalagyan na kinuha niya. It was a small first aid kit!

"I'm very sorry." Ulit niya pa pero hindi ako makasagot sa kaniya dahil nahihilo parin ako hanggang ngayon. I'm preventing myself not to close my eyes.

Ginamot niya ang sugat ko at agad akong kinarga papunta sa motor niya.

"Where are you bringing me?" Tanong ko sa kaniya when I managed to say some words.

"Hospital. Paunang lunas pa lang ang naibigay ko sa iyo at kailangan kitang dalhin sa hospital para matingnan ka ng maigi." Paliwanag niya kaya wala naman akong nagawa kundi ang tumango.

Habang nasa byahe kami ay paunti-unti akong hinihila ng pagka-antok kaya hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. I woke up the next day na nakahiga na sa hospital bed.

My wound yesterday is covered with bandage. The hospital smelled alcohol and some chemical I'm not familiar with.

My tummy groaned as soon as I seated in my bed. Doon ko lang napagtantong hindi nga pala ako nakapaghapunan kagabi. Bababa na sana ako sa higaan ko ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. I immediately lifted my gaze to see who it is.

Iniluwa nito ang lalaking nakabangga sa akin kahapon at napatitig ako sa kaniya. He has this handsome look that any girl would fall for. He has this some kind model kind of vibe kaya kahit sino yata ay masa-starstruck sa kaniya. Now look at me, I literally stared at him. 

Mukhang kakadating niya lang din sa hospital dahil may dala-dala pa siyang paper bag galing sa Jollibee.

"I bet you're hungry kasi hindi ka nakapaghapunan kagabi kaya bumili na ako ng pagkain mo on my way here." he said bago niya inilapag ang dala-dalang pagkain sa lamesa. 

Napatitig naman ako sa pagkaing dinala niya kaya mukhang nahiya naman siya doon. "Sorry though, hindi mo ba 'to gusto? Hindi na kasi kita natanong kung ano ang gusto mo because you were asleep the whole time." sabi niya sa akin.

Davinson Lucress (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon