Fight
Nakita ko si Davin na nakatingin sa bahay namin mula sa labas, pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko habang nakatingin sa kaniya. Hinilamos niya ang kaniyang palad sa kaniyang mukha bago lumuhod. Alam kong hindi niya ako nakikita dahil sa kabilang bintana ko siya tiningnan pero kitang-kita ko ang pagod at frustration sa kaniyang mukha.
Pumasok ako sa kwarto ko at tinapon sa basurahan ang sulat na hawak ko. I jumped into my bed and close my eyes.
"What if I told her that your chearting?"
"Cheating..."
"Cheating..."
"I sent the letter to her."
Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpi-play sa isipan ko ang mga salitang narinig ko kanina. I felt my whole body numb, my eyes can't stop crying, and my head can't stop thinking.
Hindi ko lubos maisip kung bakit palagi nalang akong nasasaktan, hindi ko alam kung saan ako nagkulang kaya palagi nalang nauuwi sa ganito? Hindi ko alam kung bakit ba nila ako pinaglalaruan at sa huli'y iiwang luhaan?
I opened my eyes when I heard a bell ring from my phone, senyales na nakatanggap ako ng mensahe. I got my phone from my bed side table at nakitang nakatanggap ako ng mensahe mula kay Davin.
From: Davinson Lucress
I love you
Tears then started to fall from my eyes, kalian ba siya titigil? Bistado ko na nga siya pero bakit ganito? Bakit mahal na mahal ko parin siya kahit ganito? Ganoon ba talaga pag mahal mo na, wala ka ng pakialam kahit niloloko kana basta alam mong nandiyan lang siya?
Gusto ko man siyang sigawan, saktan, pagsabihan ng masasakit na salita pero hindi ko magawa, hindi ko kayang gawin. Tinitigan ko lang ang screen ng cellphobe ko habang nakatitig sa mensahe niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung may magagawa pa ba ako?
Tuloy-tuloy ang pagluha ko at pumatak ito sa hawako kong cellphone, I closed my eyes to breathe in and out before I stood up.
I walk in front of my window at nakita kong naroon parin siya habang nakatitig sa banda ko. Alam kong hindi niya ako nakikita dahil hindi ko masyadong inawang and kurtina pero bakit parang nararamdaman ko ang pagsusumamo ng kaniyang mukha. His eyes scream sadness.
Nakaluhod parin siya hanggang ngayon at hindi ko maiwasang tumigila para hindi na muling lumuha. Sumandal ako sa dingding habang at hindi na maiwasan ang tindi ng pagluha hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nang magising ako kinabukasan ay para akong multo, namumugto ang mga mata habang magulo ang buhok. I put on too much concealer underneath my eyes and put some make up on para hindi halatang umiyak ako ng magdamag kagabi.
Mukhang narito na sina Mommy dahil rinig ko ang boses nila pagkalabas ko pero hindi ako tumigil para kumain sa hapag o di kaya ay magsalita dahil paniguradong paos ang boses ko.Nagtataka man ay hindi na ako kinulit nina Mommy at hinayaan na akong makaalis ng bahay.
Titig na titig naman sa akin si Ate na tila ba alam niya ang nangyari, umiwas ako ng tingin sa kaniya at lumabas na ng bahay.Buong byahe ko inisip ang mga nangyari kagabi at sa tuwing maalala ko iyon ay kumikirot ang puso ko sa sakit.
Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko si Davin sa labas ng classroom namin at mukhang kanina pa naghihintay. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo para yakapin ako pero agad akong umiwas sa kaniya.
"Adi..." mahina nitong tawag sa akin. "May sasabihin..." nag-aalangan nitong sabi sa akin kaya diretso sa mata ko naman siyang tiningnan.
"Bakit?" pinilit kong patatagin ang boses ko habang nakatingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Davinson Lucress (UNDER REVISION)
Teen Fiction[COMPLETE] Adayna Dexielle Reyes met a guy who believed in her, who made her realize a lot of things. The man he didn't expect to come in an unexpected way. He'll made her realize that she can be more than herself. Start: June 5, 2020 End: October 4...
