Chapter 15

4 3 1
                                    

Sorry

Hindi ko maiwasang maisip ang mga salitang sinabi ni Myca sa akin sa rooftop noong nakaraang araw, iyon ang laman ng isip ko mula kaninang umaga. My parents didn't know about it yet and I have no plans in telling them about it either.

Tiningnan ko lang ang cellphone ko na kanina pa sunod-sunod na nagri-ring, I'm pretty sure it's Davin calling me again for how many times. Ilang beses na din niya akong sinubukang kausapin sa eskwelahan pero hindi ko siya pinansin.

It's been a week since we last saw each other at iyon ay ang huli niyang pagsubok na kausapin ako, everytime that I am with Myca in the cafeteria the awkwardness between us always stretch to the point that I needed to walk away leaving my foods untouched.

Paulit-ulit na bumabalik sa akin ang sinabi ng babae niya, ang panloloko at lahat ng ginawa niya sa akin. It was so pitiful of me to believe in his lies but I can't change the fact that I'm craving for his explanation,that I'm craving for the truth that he has to say but how?

How can I listen to him if my heartaches everytime I see him kneel, everytime I see him plead.

Hindi pa ako nakakalabas ng bahay ay nakita ko na ang nakaparadang motorsiklo ni Davin sa labas ng bahay, nakita ko ang pagtayo ng maayos ni Davin ng makita akong lumabas. Inilapag niya ang hawak niyang helmet sa motorsiklo bago nagsimulang maglakad papalapit sa akin.

"Adi please, mag-usap tayo." Paki-usap nito kaya hinarap ko naman siya.

"Ano pa ba ang gusto mong sabihin Davin?"

"Gusto kong malaman mo ang totoo Adi, please, ayoko ng ganito."

"May katotohanan pa pala sa lahat ng mga narinig ko?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

"Girlfriend ko si Carissa noon." Ani nito.

"Na hindi mo man lang nabanggit sa akin mula noon." I said in a matter of fact.

"Hindi ko siya gustong banggitin sa iyo dahil-"

"Ayaw mong malaman ko ang totoo!" Pagtatapos ko sa sasabihin niya kaya umiling naman siya, mukhang pinapahaba ang kaniyang pasensiya.

Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kaniya ng muli siyang magsalita.

"Dahil ayaw kong masaktan ka niya Adi, dahil hanggang ngayon ay pinipilit niya akong kinukulong sa relasyong hindi ko naman gusto." Sabi niya kaya natigilan ako sa paglalakad.

"She's crazy Adi! Binantaan niya akong kapag iniwan ko siya ay magpapakamatay siya o di kaya ay papatayin niya ang sinumang babaeng lalapit sa akin." Dagdag niya kaya nilingon ko siya, gulat at hindi malaman ang gagawin. "Mahal kita pero hindi kita gustong masaktan Adi kaya ng malaman kong marami siyang bagay na ginagawa sayo agad ko siyang kinumprunta bagay na itinanggi niya naman."

"Pero hindi ibigsabihin non ay itatago mo na sa akin ang lahat ng iyan! Nagmukha akong tanga Davin, ni hindi ko man lang alam na matagal mo na palang kilala ang babaeng nagpapadala ng mga mensahe sa akin, and you know what's worst? Pinagbabantaan din ako ng babaeng yan!" sigaw ko sa kaniya.

Nakita ko naman ang galit na dumaan sa kaniyang mga mata pero mas nangibabaw ang pagkagulat sa kaniyang mukha. "Kung ganoon ay bakit hindi mo sinabi sa akin ang lahat-lahat ng yan? Hindi mo sinabi sa akin na pinapadalhan ka niya ng mga sulat at pinagbabantaan ka din niya."

"Dahil hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa kaniya! When in fact you never even told me that she was your crazy ex-girlfriend!"sigaw ko.

Kinalma niya naman ang sarili niya bago naglakad pabalik sa akin.

"Sorry." Mahina niyang sabi sa akin bago niya ako hinigit papalapit sa kaniya para yakapin. "Pero hindi ko kayang makita kang masaktan." Sabi niya kaya natigilan naman ako.

Davinson Lucress (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon