Nicky
We were running in the midst of nowhere. Hindi ko alam kung kailan kami titigil ni Ate dahil masyadong malayo pa ang mga kabahayan dito. If we stop here, we wilk surely sleep in this forest, tiyak na maraming mga ligaw na hayop dito as it is not safe to stay here.
Sa halos ilang minuto na naming pagtakbo ni Ate ay para na akong matutumba sa panghihina. Tumigil kami sa gitna ng hindi pamilyar na lugar, mukhang nasa gitna na kami ng Abandoned Forest na pinangalanan pa noon ni Davin na the Promise Forest. I can't help but to think of him right now, naghihintay paba siya sa akin?
"Ate, hindi ko na kaya." Hinihingal kong sabi.
Uupo na sana siya sa gilid ko ng bigla kaming makarinig ng mga yabag. She told me to keep quiet before she looked to see who's there. Tumayo ako at lumapit sa kaniya, takot sa posibleng mangyari sa aming dalawa.
We are in the middle of nowhere, running for our lives and I can't help but to think about Mom and Dad, sana nakalayo na sila bago pa sila maabutan nina Carissa at Karen.
"Ate... bakit magkasama sina Carissa at Karen?" nagtataka kong tanong kaya lumingon naman siya sa akin.
"Carissa and Karen are stepsisters and I am...their bestfriend." Sabi niya kaya hindi naman maproseso ng utak ko ang sinabi niyang iyon. "Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa, paniguradong nababaliw na si Carissa..."
"Ate-"
Ang akala ko ay titigil na kami doon ngunit muli akong hinigit ni Ate sa kabilang daan para tumakbo. Sunod-sunod akong nakarinig ng putok galing sa baril kaya napatakip ako sa tenga ko gamit ang kabilang kamay habang ang isa ko pang kamay ay napahigpit ang hawak sa kapatid kong mukhang hindi napapagod sa kakatakbo.
"Tumigil na kayong dalawa kung ayaw niyong matagusan ng bala!" rinig kong sigaw ni Carissa.
Mas lalong dumoble ang pintig ng puso ko dahil sa narinig, the people living here are far from the forest kaya kahit anong gawin namin ay walang makakarinig sa amin kahit na magsigawan pa kami, the forest is quite big enough for someone to hear us. Masyado din itong malaki para may makarinig sa aming dalawa.
Natigil kami sa pagtakbo ng biglang matumba si Ate, agad ko siyang tinulungang makatayo pero papalapit na ng papalapit ang mga yabag ng mga taong sumusunod sa amin na mas lalong nagpataranta sa amin.
"Mauna kana Adi, umalis kana!" sigaw ni Ate sa akin pero umiling lang ako habang patuloy ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata.
"H-Hindi kita iiwan, h-hindi ako aalis sa tabi mo." Naiiyak kong sabi pero patuloy lang siya sa pag-iling, naiiyak na din kagaya ko.
"Adi, hindi mo naiintindihan!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. "Iligtas mo na ang sarili mo."
Tuluyan na siyang nakatayo pero paika-ika siyang tumakbo habang ang isa niyang kamay ay nasa balikat ko at inaalalayan siya.
"Tumigil na kayong dalawa!" sigaw ni Carissa mula sa likuran namin pero hindi kami tumigil at nagpatuloy parin sa mahinang pagtakbo kahit wala na kaming ibang mapupuntahan pa.
"Kung hindi kayo titigil ibabaon ko sa inyo ang balang nasa baril nato." Sigaw niya sabay sunod-sunod na pagpapaputok sa sahig kaya tumigil kaming dalawa ni Ate, walang magawa kundi ang magkatinginan sa isa't-isa. Hinarap namin siya kaya napangiti naman si Carissa.
"You're crazy." Mahina kong sabi kaya tumawa naman siya habang hawak-hawak ang baril niya.
Tumawa pa ito lalo ng makita ang takot sa aming dalawa ni Ate. "Hindi ako ang baliw dito Adi, ikaw!" aniya. "Patuloy mong pinaniniwalaan ang kasinungalingang ipinapakain nila sayo habang ang katotohanang inihahain ko ay hindi mo ginagalaw!"
BINABASA MO ANG
Davinson Lucress (UNDER REVISION)
Teen Fiction[COMPLETE] Adayna Dexielle Reyes met a guy who believed in her, who made her realize a lot of things. The man he didn't expect to come in an unexpected way. He'll made her realize that she can be more than herself. Start: June 5, 2020 End: October 4...