Chapter 12

6 3 0
                                    

Tattoo and flowers

"Kumpleto na ba lahat?" tanong ko kay Davin ng inilapag niya ang checkered white and red blanket sa kulay berdeng damo.

Tumango naman siya bago isa-isang inilapag ang mga dala-dala naming pagkain. Napag-isipan naming mag-picnic sa isa sa pinaka-magandang lugar sa Rizal, ang lugar kung saan matatagpuan ang mahiwagang sunset ng Rizal.

"Ayan, ang ganda talaga." Sabi ko habang nakatingin sa buong paligid.

Hindi na gaanong mainit pero mas pinili kong suotin ang dala kong summer hat. Maraming litrato na ang nakuha ko sa buong paligid kaya umupo muna ako para kumain.

Payapa kong tinitigan ang buong paligid habang siya naman ay nakaupo lang sa gilid ko at hawak-hawak ang cellphone niya. Ilang araw din naming kinansela ang sinasabi naming date sana dahil parehas kaming busy sa mga nagdaang araw.

Kumuha ako ng donut sa gilid at nagsimulang kumain habang dinadama ang mainit ngunit preskong hangin.

"Pumunta si Nicky kahapon sa hospital sabi ni Daddy." rinig kong sabi niya kaya tumango naman ako.

Pumunta kasi doon si Ate dahil gusto niyang kamustahin si Dayn. I agreed though dahil ilang araw na din namang walang bumibisita kay Dayn ayon kay Davin, I remember her Mom though, hindi ba madalas na pumupunta ang Mommy niya sa hospital para kamustahin ang anak niya?

Hindi ko siya nilingon at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ng donut. "Sinabi niya sa akin na dadaan siya, hindi na ako nakasama kasi walang tutulong kay Mama sa gawaing bahay." I answered slightly feeling itchy.

"Adi, your skin." I heard him said and this time I look at him confusedly. 

Davin looked at me worriedly. Tiningnan niya naman ang inilapag kong donut sa gilid.

"Are you allergic to nuts?" tanong nito sa akin kaya nanlaki naman ang mga mata ko.

Doon ko lang napagtantong may maliliit palang nuts nakalagay sa donut na kinakain. For a matter of seconds I felt like vomiting. Davin on the other hand don't know what to do.

"I...I can't breath." nahihirapan kong sabi kaya napatayo naman siya.

"Adi!" natataranta niyang sigaw pero hindi na ako halos makagalaw.

Huli kong nakita ang nag-aalala niyang mukha bago ako tuluyang nawalan ng malay.

NAKARINIG ako ng samot-saring mga taong nagsasalita kaya bigla akong nagising. Nakita ko si Ate Nicky sa may gilid habang hawak-hawak si Dayn at mukhang tinuturuang maglaro sa kaniyang cellphone, si Mommy naman ay mukhang nagmi-mindnight snack habang si Daddy naman ay mukhang buong araw nagpuyat.

"Adayna!" bulalas ni Mommy ng makitang nagising na ako. "How many times do I have to tell you that you should be careful to the foods you're eating! Ayan tuloy napasugod kami sa hospital ng wala sa oras." Galit na panenermon sa akin ni Mommy kaya kinagat ko naman ang pang-ibabang labi para mapigilang mapangiti.

Si Mommy talaga. She's always like that whenever my allergies attack and I end up in the hospital but at the end of the day she'll take care of me. Mother's love nga naman.

"Hindi ko naman sinasadya Mom eh, hindi ko napansing may nuts palang toppings ang donut na kinakain ko." I said defending myself pero umiling lang si Mommy at binigyan ako ng tubig na kaagad ko namang ininom.

Inilibot ko ang tingin ko at nakitang wala si Davin dito. Ate Nicky rolled her eyes when she saw me looking around. Tumayo siya at pina-upo si Dayn sa upuang nasa gilid ko bago nag-stretch ng kaniyang kamay sa harapan ko.

Davinson Lucress (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon