Chapter 20

5 3 0
                                        

Painful

Davinson's POV

Ilang beses ko ng sinubukang tawagan si Adi pero hindi niya naman sinasagot. Lumabas ako ng kwarto ni Dayn ng madatnan kong naka-upo si Dad sa upuan sa labas. Nilingon niy ako ng makita niya ako.

"Tulog na ang kapatid mo?" tanong niya kaya tumango naman ako. "Saan ka pa pupunta?"

"Lalabas lang ako para tawagan si Adi, Dad." Sabi ko kaya ngumiti naman ang ama ko.

Sinenyasan niya akong umupo muna sa tabi niya kaya umupo naman ako sa tabi niya.

"Siya lang ang kaisa-isang babaeng ipinakilala mo sa akin at maging sa kapatid mo. Naalala ko pang sinabi ng Tita mo na may isinama kang babae sa Dessert Shop noon, si Adi ba yun?" tanong ni Dad kaya wala sa sariling napangiti naman ako.

I can still clearly remember the first time I laid my eyes on her. Nakita ko siyang palaging dumadaan sa gilid ng ricefields sa may daanan at paminsan-minsan ko din siyang sinusulyapan.

It was a routine for me everytime I cross Rizal pero nagbago ang lahat ng iyon ng mahuli kong niloloko lang pala ako ni Karen. I know I have been in a relationship with her for how many years at hindi niyarin maipagkakaila sa akin na si Lucas ang gusto niya.

I have known it for how many years that we've been together dahil sabay kaming tatlong lumaki. Lucas was the one I put my prank on, siya ang tinutukoy ko na ginawan ko ng prank sa crush niya which is Karen.

I got drunk that day at kahit na medyo umiikot na ang paningin ko ay pinilit ko paring magmaneho. When I cross the lane that's so familiar to me hininaan ko ang pagpapatakbo, hinihintay na makita siya pero nagulat ako ng may nakita akong babaeng patawid ng kalsada.

Nanlaki ang mga mata ko ng bumagsak siya sa daan. Laking pasalamat ko nalang at walang gaanong sasakyan ang dumadaan. Laking gulat ko ng makitang iyon ang babaeng madalas kong nakikita dito.

Parang bigla tuloy nawala ang antok at pag-ikot ng paningin ko dahil sa nakita ko. Kinuha ko ang first aid kit sa motorsiklo ko at paunang nilapitan ng lunas ang sugat niya pero kailangan ko parin skiyang dalhin sa hospital.

"Where are we going?" She asked softly.

Natigilan naman ako ng sandal ng marinig ko ang boses niya, mahina iyon ngunit ang sarap pakinggan.

Tinulungan ko siyang makasakay sa kotse ko, muntik pa akong hindi makahinga ng maayos dahil sa higpit ng yakap niya sa akin.

"Davinson." Narinig kong tawag ni Dad sa akin tsaka siya tumawa. "Ibang ngiti na yan ha." Panunukso niya kaya napaayos naman ako ng upo pero hindi parin mawala-wala sa aking labi ang aking ngiti.

"Oo Dad." Sagot ko nalang.

"Anong plano mo? Nililigawan mo na ba?"

Ngayon lang ata kami nakapag-usap ni Dad ng tungkol sa babae.

"Oo, nabasted nga ako eh." Pagbibiro ko kaya natawa naman siya.

"Ligawan mo ulit." sabi niya sabay tawa.

"Nililigawan ko na nga ulit pero mukhang hindi ata tumatalab ang pagiging Lucress ko sa kaniya." Pagbibiro ko.

"Baka ang pagiging Davinson mo ang tumalab." Aniya tsaka siya tumayo. "Sige na sabihan mo nalang ako kapag magpapakasal kana." Anito kaya tumayo naman ako at natawa sa sinabi niya.

"Hindi yun papayag."

Umiling lang si Dad tsaka siya nagpaalam na papasok muli para bantayan si Dayn.

Davinson Lucress (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon