Kiss
"Okay na ba to?" tanong ko kay Davin ng kinuha ko ang isang box ng chocolate para ipakita sa kaniya.
Tumango naman siya sa akin bago inilapit ang push cart na hawak niya. "Ano pa ba ang hindi natin nabibili?"tanong niya sa akin kaya ichineck ko naman ang mga kinuha namin.
Magluluto kami ngayon dahil birthday ni Tito David. Gusto kasing surpresahin nina Dayn at Davin si Tito pero mas gusto ni Davin na hospital nalang para hindi na lumabas pa si Dayn kaya nag-volunteer akong tumulong sa magkapatid.
Yaya Nelly and Dayn are decorating her room since tamang-tama at umalis kaninang umaga si Tito at mamayang gabi pa ang balik. Davin paid for the ingredients we bought at dumiretso na sa Lucress Dessert's para bumili ng cake na dadalhin namin doon, nasabi din ni Davin sa akin na nagbebenta din daw ang Tita niya mga party banners kaya doon na kami bibili.
Ng dumating kami sa Dessert store ay naabutan naming abala ang lahat ng mga tauhan nila at marami ring tao kaya ng makita ng isang staff na dumating si Davin ay agad niyang kinuha ang cake na nakapatong sa malapit na table at ibinigay iyon sa amin.
"Ibinilin ni Madam sa amin Sir Davin, narito na din ang mga party banners na inorder mo." sabi ng staff sabay lahad ng isang malaking plastic. Mayroon pang mga balloon sticks at party hats na nasa loob. ng tiningnan ko iyon.
Nagpasalamat naman si Davin sa staff na kaagad din namang bumalik sa trabaho kaya nagpaalam na kaming aalis.
"Saan tayo magluluto Adi?" tanong ni Davin sa akin.
"Sa bahay na siguro, nasabi ko na din kina Mommy at Daddy at mukhang tutulong pa silang tatlo ni Ate sa atin." I said.
"Adi..." tawag niya sa akin kaya napalingon naman ako sa kaniya.
"Yes?" I said.
"Thank you." He said sincerely.
"Ano kaba! Para ka namang others!" I joked at him kaya natawa naman siya.
Pagdating namin sa bahay ay naroon na sina Mommy at Ate sa kusina, naghihintay sa amin. Lumapit naman si Davin kay Mommy para magmano at ganoon din kay Daddy. Ate started cutting the onions for our spaghetti kaya lumapit ako sa kaniya.
"Mabuti kapa umaasenso love life." Mahina niyang sabi kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Anong umaasenso ka diyan?" tanong ko sa kaniya kaya natawa naman siya.
"Hindi ba?"
"Hindi kaya."
"Asus! Mga galawang yan, alam na." sabi niya sa akin kaya tinawanan ko naman siya.
We spent all day cooking at halos hindi na din kami magka-usap pa dahil sa dami ng ginagawa. Pagod akong umupo sa living room ng mai-ayos na namin ang lahat ng mga pagkain, nasa loob na iyon ng mga malalaking lalagayan at ready ng ipasok sa kotse para dalhin sa hospital.
It's currently five in the afternoon at nailagay na nina Dad ang mga balloons sa loob ng sasakyan. I decided to take a bath before going to the hospital. I wore my peach dress and my sandals before going out of my room.
Mukhang naipasok na nila ang mga pagkain sa kotse dahil nakita ko silang nag-uusap na sa labas ng bahay.
"Tita, sumama na po kayo sa amin." Davin invited Mom pero mukhang ayaw ni Mommy, nakita ko kasi kanina ang dami ng mga nakatambak na paper works sa table niya.
"Huwag na hijo, just send my greetings to your Dad, si Adi nalang ang sasama sa iyo." ani ni Mommy.
"Yeah, ikamusta mo na din ako kay Dayn ah, sa susunod ay sasama na ako kay Adi para bumisita sa kaniya." Ate said.
BINABASA MO ANG
Davinson Lucress (UNDER REVISION)
Teen Fiction[COMPLETE] Adayna Dexielle Reyes met a guy who believed in her, who made her realize a lot of things. The man he didn't expect to come in an unexpected way. He'll made her realize that she can be more than herself. Start: June 5, 2020 End: October 4...