Chapter 13

5 3 0
                                    

Player

Our class ended so early kaya napag-isipan kong puntuhan muna sa locker ko ang mga librong kukunin ko. Mukhang wala kasi akong gagawin mamayang gabikaya gusto ko nalang magbasa. Gusto ko man sanang ayain si Ate Nicky na manood ng movies pero mukhang busy din siya katulad ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam nito pero sa mga nagdaang araw ay parang nagiiba ang mga ikinkilos ni Ate. She's sometimes freaked out whenever I drop some things, katulad nalang noong isang araw na aksidente kong nabitawan ang flower pot na hawak ko and the same thing had happened when I suddenly put down my hot coffee into our glass table.

She screamed really loudly kaya dali-dali namang pumasok sina Mommy at Daddy sa loob ng bahay para matingnan kung ano ang nangyari. Palagi din siyang balisa at nitong mga nagdaang araw at palagi din siyang nagkukulong sa kwarto niya.

I sometimes encourage her to go to Dayn pero madalas niya ng idinadahilang masama ang pakiramdam niya.

Pinipilit din ako ni Mommy na samahan muna siya sa kwarto niya pero madalas namang tumatanggi si Ate at ayaw pa akong papasukin sa kwarto niya. Hindi na din ako sumubok pang kausapin siya dahil naging busy sa school ng mga nagdaang araw.

Ng buksan ko ang locker ko ay bumungad sa akin ang samot-saring klase ng papel, may iilan pa doon na mukhang galing pa noong mga nagdaang buwan kung kalian inakala nilang ako ang magnanakaw, some of them were apology letters and some of them were hate letters.

Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong buksan kaya kinuha ko na lahat ng letters na iyon at ipinasok sa loob ng bag ko. I know it's weird to read letters from your haters pero wala eh gusto kong malaman kung ano ba ang mga nakasulat sa mga ito, at talagang nag-effort pa ang mga to.

Pabalik na sana ako ng classroom ng madaanan ko muli ang estudyanteng nakabangga sa akin noong isang araw. Nanginginig ang lalaki habang hawak-hawak ang mga libro niyang nahuhulog, mukhang pinaglalaruan na naman ito ng mga estudyante

Mabilis itong naglakad papalayo ng makita niya akong nakatingin sa kaniy. That's odd. Para niya talaga akong iniiwasan.

Mabilis namang naagaw ng atensiyon ko ang nakangiting si Davinson Lucress mula sa malayo. Hindi na ata naalis ang ngiti nito simula ng magpatattoo kami. Madalas pa nitong ipinapakita ang tattoo niya sa social media accounts niya kaya palagi tuloy akong name-mention dahil sa initials na nakalagay sa tattoo niya.

"Kumain kana ba?" tanong nito sa akin ng makalapit.

"May susunod pa akong klase, mamaya na pag-uwian." I said kaya tumango naman siya.

Akala ko ay aalis na siya pero nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang akong yakapin. Naramdaman kon ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso kaya gulat ko naman siyang tiningnan. I felt him kiss my forehead without a warning.

"Lucress."

"I love you." ani nito sabay takbo palis.

I watch him walk away but he stopped and turned towards me. He smiled and winked at me before saying the three words that makes my heartbeats again. Para akong nakalutang habang nakatingin sa kaniyang naglalakad paalis.

Noong hapon na ay hindi ako halos nakinig sa guro namin dahil parang sumasama ang pakiramdam ko. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa blackboard namin hanggang sa tuluyan ko ng ipinikit ang mga mata ko.

"Ate, ate gumising ka!" nanlaki ang mga mata ko ng makita si Dayn sa harapan ko.

"Dayn, bakit nandito ka?" tanong ko sa kaniya.

Hindi naman nagsalita si Dayn at ngumiti lang. I don't know why I'm in the hospital dahil sa pagkakaalala ko ay naroon ako sa loob ng classroom namin. Lumingon-lingon ako sa paligid at kaagad ding nagtaka dahil bakit parang hindi ito ang kwarto ni Dayn?

Davinson Lucress (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon