Promise Forest
Mabilis na kumalat ang video sa buong school ng kinabukasan. It was a painful day for Myca too dahil pati ang mga kaibigan nina Karen at Kamila ay nakikisali na din sa pambu-bully sa kaniya.
Hindi ko sila pinakealaman dahil ayokong madamay muli sa mga ginagawa nila, hindi naman kumikibo ang mga kaklase ko pati ang mga estudyante sa school. Myca looked like she doesn't mind at all pero alam kong pinpigilan niya lang ang sarili niyang huwag umiyak sa harapa ng ibang tao.
Ilang beses ko na ring nakita ang muntik ng pagtulong sa kaniya ni Daniel pero madalas siyang pinipigilan ni Lumi sa tuwing magtatangka siya.
You can hear other students whispering and gossiping about her sa kung saan saan and this time I can't help but to stand with her. Malakas kong ibinagsak ang hawak kong libro bago lumapit sa kinaruruonan nina Kamila at Myca.
"Stop it Kamila." Suway ko sa kaniya ng isang araw.
"Why Reyes? Kaibigan mo na ba ulit ang babaeng to? I remember her shutting her mouth and framing you up for stealing tapos kakaibiganin mo ulit?" She asked me sarcastically kaya umiling naman ako.
Her friends laughed at me nandidiring tiningnan si Myca na ngayo'y nakaluhod sa harapan nila.
"I can't stand you bullying other students Kamila at isa pa diba dapat ako ang gumawa niyan kasi siya ang may kasalanan sa akin?" I asked her while smiling kaya nanlaki naman ang mga mata ni Myca.
Kamila smiled at me before she motion her friends to get the orange juice beside her.
"Really Reyes?" Panghahamon niya sa akin kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Show us then, spill the orange juice to this thief." She ordered kaya kinuha ko naman sa kaibigan niya ang hawak nitong juice.
Our classmates stared at each other before looking at us, kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha nila, Karen's group even clap and cheered for me.
Pero hindi ko iyon itinuloy instead I pour the whole juice to the floor and smiled at Kamila. "Para mo na rin akong inutusang maging katulad mo Kamila, sorry but I won't lower my standards and be a bully just for that, sorry not sorry." I said and help Myca stand up and drag her away.
Sa huli ay binitawan ko na siya ng makalabas na kami ng classroom, I stared at her for a few seconds before I sigh.
"Salamat-"
"Para saan?" tanong ko sa kaniya at hindi na pinatapos ang kaniyang susunod pang sasabihin. I lend her my helping hand without a meaning, hindi ibig sabihin non ay magkaibigan na ulit kami.
"For helping me of course Adi." She answered kaya umiling naman ako.
"No need, kahit sino namang may mabuting kalooban ay tutulungan ka Myca pero hindi ibig sabihin non ay pinapatawad na kita." I said kaya nakitaan ko naman ng pagkalungkot ang kaniyang mga mata.
"Hindi ako may gawa non, napag-utusan lang ako-"
"Sino ang nag-utos sa iyo kung ganoon?"
Hindi naman siya nagsalita kaya mas lalong namuo ang galit ko sa kaniya. Malinaw na malinaw na sa akin ang pagtatraydor niya kaya hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung bakit ako kaagad na nagtiwala sa kaniya.
Tumikhim ako bago muling nagsalita. "I better go." I said and walk away leaving her there.
Hindi na muling nagsalita pa sina Kamila ng makabalik ako sa classroom namin pero ramdam ko ang sama ng tingin nila. Hindi ko inalintana ang mga galit na matang nakatingin sa akin at nag-focus sa klase.
BINABASA MO ANG
Davinson Lucress (UNDER REVISION)
Teen Fiction[COMPLETE] Adayna Dexielle Reyes met a guy who believed in her, who made her realize a lot of things. The man he didn't expect to come in an unexpected way. He'll made her realize that she can be more than herself. Start: June 5, 2020 End: October 4...