Speed
Paunti-unti naring kumakalma si Davin at ini-enjoy na ang payapa naming pagbaybay sa lawa. Kung kanina ay halos tahimik lang siyang naka-upo at hindi man lang gumagalaw ngayon ay marami na siyang nakuhang mga litarato sa mga hayop na makikita mong umiinom sa lawa. Kumuha din siya ng iilan pang mga litarato naming dalawa. Hindi ko alam na mahilig pala siyang kumuha ng mga litrato.
Ilang oras pa ang ginawa naming paglilibot hanggang sa tuluyan na kaming bumaba sa bangka at iniwang nakatali doon sa lawa.
"Hindi ko alam na ganoon pala iyon kasaya doon." sabi niya sa akin kaya tumango naman ako at biglang natahimik.
Pilit ko mang inaalis sa aking sistema ang nangyari kanina ay hindi ito mawala sa aking isipan.
"Hey."Davin said as he lifted my chin. "Don't be sad." sabi niya sa akin kaya pinilit ko namang ngumiti.
"Gusto mo bang kumain? I have a place for us to eat." paanyaya niya sa akin kaya mabilis naman akong tumango.
Inilahad niya naman sa akin ang helmet niya kaya tiningnan ko naman siya. "What about you?"I asked.
"It's fine." Iyon lang ang naging sagot niya sa akin. "Wear it Adi, mas magiging kampante ako sa pagmamaneho kapag suot mo yan." sabi niya sa akin.
Hindi ko namang mapigilang mamula dahil sa sinabi niyang iyon. Sinuot ko na ang ibinigay niyang helmet at saka niya ini-start ang motorsiklo niya at sinimulan na itong paandarin bago niya ako sinenyasang sumakay na. Mabilis ang tibok ng puso ko dahil ito ang unang pagkakataon na sasakay ako sa motorsiklo. Umangkas naman ako sa likuran niya at nataranta dahil hindi ko alam kung saan ako hahawak.
Natigilan naman siya dahil doon at hinawakan ang kamay ko para ilagay iyon sa kaniyang tiyan. Natigilan naman ako dahil doon at namula kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. I saw him smirked kaya kinurot ko siya.
"Ow! What was that for?" tanong niya sa akin pero inirapan ko siya.
Malakas na hangin ang sumalubong sa akin kaya nakaramdam ako ng kaginhawaan. He's driving in a moderate way kaya kampante akong walang masamang mangyayari sa amin. Slowly, I felt safe when I'm with him. Niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kaniya dahil nakaramdam ako ng pagka-ilang dahil napagtanto kong mahigpit akong nakayakap sa kaniya.
I heard him chuckled when I tried to smell his scent.
"Sige lang Adi." narinig kong sabi niya kaya umirap ako.
Nagulat naman ako ng mabilis niyang pinaharurot ang kaniyang motorsiklo dahilan ng pagyakap ko sa kaniya ng mahigpit.
"What the heck Davin! Huwag mo naman akong patayin!" Malakas kong sigaw sa kaniya kaya humalakhak naman siya sa reaksiyon ko.
"Humawak ka kasi ng maayos Adayna, sige mahulog ka diyan." pangagaya niya sa sinabi ko sa kaniya kanina.
Wala naman akong magawa kundi ang higpitan ang pagkakayakap ko sa kaniya. During the whole ride I just raised my other hand and waved through the air, it feels so free when I'm with him.
Kunot-noo ko namang ibinigay sa kaniya ang kaniyang helmet ng tumigil kami sa Lucress Desserts? Mayroon iyong ikalawang palapag at hindi ko aakalaing nasa itaas pala ang mismong tanggapan. Pagkapasok mo sa unang palapag ay naroon naka-display ang mga pictures ng mga costumer na mukhang ginawang art gallery ng Lucress Dessert. May iilan pa doong nakangiti habang nakatingin sa camera, ang iba naman ay mukhang hindi alam na kinukuhanan sila ng litrato dahil masaya silang nag-uusap. I even saw a picture na mayroong nagpropose dito.
Ng paakyat na kami sa hagdan maraming paintings ang naroon at iilang quotes na related sa desserts. This place is aesthetically beautiful kaya paniguradong maraming costumers ang maatract na pumunta dito. Light colors ang pintura sa buong lugar kaya magandang pagkuhanan ng mga litrato na maaaring i-post sa IG.
BINABASA MO ANG
Davinson Lucress (UNDER REVISION)
Teen Fiction[COMPLETE] Adayna Dexielle Reyes met a guy who believed in her, who made her realize a lot of things. The man he didn't expect to come in an unexpected way. He'll made her realize that she can be more than herself. Start: June 5, 2020 End: October 4...
