2- Present

146 21 11
                                    

Third person's Point of View

"May napapansin ba kayo kay Ian?" Nag aalalang tanong ni Isaiah.

"Hindi na nga siya sumasama sa atin eh." sabi naman ni Magnus.

"Baka busy, may laban na ata ulit" sabi naman ni Raelle.

"Anong oras ba uwian nila Eli?' tanong ni Yara kay Ezra.

"Mamayang four thirty pa. Gusto niyo mauna na kayo" sabi ni Ezra.

"Intayin na naming kayo" sabi ni Iris.

"Kayo bahala kaso baka gabihin rin kayo" sabi ni Ezra.

"Edi gabihin" sabi naman ni Nate.

Naka upo lang sila sa table sa ilalim nang puno nang makita nila si Ian.

"Ian!" tawag ni Nate.

Lumapit naman ito sa kanila.

"Bakit hIndi pa kayo umuuwi?" tanong ni Ian.

"Iniintay si Eli" sagot naman ni Bliss.

"Sabay ka sa amin pauwi?" tanong ni Isaiah sa kapatid.

"SIge" sagot ni Ian.

"He's being weird again, hindi ako sanay na hindi siya nang tritrip" bulong ni Iris kay Yara.

"Baka stressed kasi yung tao" sabi ni Yara at tumango tango na lang si Iris.

"Anong ganap?" tanong ni Nate.

"Busy sa practice, tapos ang rami pang gagawin" sabi ni Ian.

"Kaya hindi ka nakakasama sa amin?" tanong ni Raelle.

"Oo" sagot ni Ian.

"Kala namin iniiwasan mo kami" sabi naman ni Isaiah.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" sabi ni Ian.

"Ewan" sagot nila.

"Salamat sa pag iintay" sabi ni Eli nang makarating sa kanila,

"Galit na galit ulit teacher namin eh" dagdag pa niya.

"Palagi namang galit iyon. Kahit dati talagang ganoon yun" sabi naman ni Magnus.

"Tara na, magdidilim na" sabi ni Ian.

Tumayo na sila at umalis sa eskwelahan. Nagkanya kanya na silang sakay pauwi dahil puro punuan ang jeep.

"Nasiraan na ba nang ulo si Kuya Ian?" tanong ni Eli.

"Grabe ka naman, stressed lang daw kasi maraming ginagawa" sabi ni Ezra.

"Protective kay Kuya Ian. Yieeee" pang aasar ni Eli.

"Wag kang kakain mamaya" sabi ni Ezra.

"Joke lang" sabi nito.

Dumiretso sila sa convenience store na pag mamay-ari nang magulang nila dati bago sila iwan. Kumuha sila nang rekados sa pagkain bago dumiretso pauwi.

"Ayos lang ba ang kapatid mo?" tanong nang magulang nila Ian kay Isaiah.

"Ayos lang naman daw po Ma. Marami lang daw pong ginagawa" sabi ni Isaiah.

"Parang palaging aligaga iyang si Ian. Mukhang takot sa kung ano" sabi nang tatay nila.

"Takot lang po siguro bumagsak pa." sabi ni Isaiah.

Dumiretso siya sa kwarto niya at napa isip rin dahil sa kakaibang akto nang kapatid niya.

"Iris, Bye!" paalam ni Bliss kay Iris bago siya bumaba.

"Bye! ingat sa biyahe" sabi ni Iris at tumawid na.

"Late ka na naman umuwi" sabi nang nanay ni Iris.

"Inintay lang po si Eli" sagot niya.

"Sige, aalis na ko" sabi nang nanay niya at umalis na.

Doctor kasi ang nanay ni Iris, hindi lang sila ayos dahil pinipilit siya na mag doctor rin pero ayaw niya.

Sa kabilang banda naman ay si Bliss na kakarating lang sa bahay nila. Mag-isa ulit.

"Bliss, how's school?" tanong nang nanay ni Bliss nang tumawag siya doon pag kauwi.

"Nothing much Mom. Mag eexam na rin po" sabi ni Bliss.

"Mag aral nang mabuti" pag papa alala sa kanya nang Mom niya.

"Opo,opo" sagot niya.

Nagpaalam ang Mom niya at pinatay ang tawag.

"Raelle, ingat" paalam ni Magnus.

"Ingat rin" sabi ni Raelle bago sila maghiwalay.

"Kain na" sabi nang mama nI Raelle pagkauwi.

"Sige po" sabi niya.

"Kamusta ang pag aaral?' tanong nang papa niya.

"Ayos lang naman po, medyo mahirap rin po kasi mag eexam na" sabi niya.

"Galingan mo" sabi nang Mama niya.

"Syempre Ma, sisiw yan" sabi niya at natawa ang magulang niya.

Sa kabilang banda naman, Si Magnus ay mag isa sa kanilang Bahay.

"Ate Yara, wala ulit sila Mommy" sabi nang bata niyang kapatid na si Yeshua.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Hindi pa ate." sabi niya.

"Sige manood ka muna nang cartoons diyan, magluluto lang ako" sabi ni Yara.

"OK ate" sabi ni Yeshua at nanood na ulit.

Grade five pa lang si Yeshua pero nasanay na itong mag isa dahil palaging wala ang magulang nila.

Si Nate naman ay dumiretso sa paprintan nang picture para ipaprint ang picture na mga kinuhanan niya kanina para sa school newspaper nila.

Tahimik lang ang sarili nilang buhay lahat pero nasira iyon nang magkanda sira na ang pagkakaibigan nilang lahat.

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon