8 - Second

54 9 5
                                    

Raelle

May pasok na ulit ngayon at buti na lang walang pakialam halos lahat nang estudyante rito sa eskwelahan namin. Pero syempre hindi maiwasan nang iba na pag-usap usapan ang nangyari sa kanya.

"Si Isaiah di pa rin pumapasok?" tanong ni Ezra pagkaupo namin sa table sa canteen.

"Di daw lumalabas nang kwarto si Isaiah saka hindi nakain" sabi ni Bliss.

"Puntahan kaya natin?" suggest ni Iris.

"Oo tama" sabi naman ni Magnus.

"Si Nate?" tanong ni ko.

"May pinapagawa sa kanya yung head namin. Ayun, hindi na raw kakain" sabi ni Bliss.

"Ayos ka na ba Iris?" tanong ni Yara

"Oo ayos naman na pero"

"Pero nalulungkot ka pa rin" sabi ni Yara at tumango naman si Iris.

Ewan ko ba kay Yara, ang hilig saktan ang sarili.

***

"Pasok kayo mga bata" sabi nila Tita sa amin nang makarating kami.

"Buti at naisipan niyong puntahan si Isaiah" sabi niya ulit sa amin.

"Ako na po tatawag" sabi ni Bliss at umakyat.

"Meryenda" sabi ni Tito at naglapag nang tinapay at softdrinks sa center table.

Syempre dahil masyadong magaling itong si Magnus, siya ang nauna kumain.

Siniko ko siya nang mahina sa tiyan sa bumulong.

"Kakakain lang natin nang kwek kwek ah? Gutom ka na naman" sabi ko.

"Hihi peace" sabi niya at sinubo ang pandesal at pareho na lang kami napailing ni Ezra.

"Sa taas na lang raw tayo" sabi ni Bliss at sumunod na lang kami.

Pagkadating namin sa kwarto, naabutan namin na nagmamadaling mag ayos si Isaiah.

Weird

"Hoy pre" sabi ni Magnus at nakipag apir.

"Pumasok ka na" pangungulit ni Magnus.

"Bukas papasok na ko" sabi ni Isaiah at ngumiti sa amin.

"Buti na lang wala pa masyadong ginagawa at makakahabol ka pa" sabi naman ni Iris.

"Si Nate?" tanong ni Isaiah.

"Susunod raw" sagot ko.

"Si Yara?" tanong niya ulit.

"Hindi sumama. Wala raw kasama si Yeshua" sabi naman ni Ezra at

Naupo kami sa sahig habang nakapabilog.

"Let's play this again" sabi ni Isaiah at nilabas ang fishbowl na may laman na papel

***

Magnus

"Bye Isaiah! Pasok ka na bukas" sabi ni Bliss at kumaway habang ako ay nasa harap ni Isaiah.

"Magnus" sabi ni Isaiah.

"Bumalik ka rito mamayang gabi" dugtong niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Basta bumalik ka. May sasabihin ako sayo"

***

Alas otso na nang gabi at ito ako ngayon nagmomotor pa punta sa bahay ulit nila Isaiah.

Pagkarating ko sa harap nang bahay nila, tinanggal ko ang helmet at nagdoorbell.

WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon