Yara
"There they go again" irap ni Ezra sa mga taong nagbubulungan.
Tinignana ko ang ibang studyanteng nagtitinginan at umiwas sila sa amin.
Baka yung nagblack out ako...
"Natakot ata sayo Yara" sabi ni Magnus kaya pinalo ko siya sa braso.
"Joke lang eh" sabi ni Magnus.
"Hindi ka na ba na nanaginip?" tanong ni Ezra sa akin.
"Hindi na" sabi ko tipid na ngumiti.
Napapanaginipan ko palagi ay si Reese. Blurred pa rin ang mukha niya kaya hindi ko pa rin alam ang itsura niya.
"HUY!"
"Oh?" tanong ko.
"Tulala ka na naman" sabi ni Ezra.
"May iniisip lang" sabi ko.
"Si Yeshua nga pala?" tanong ni Magnus habang kumakain nang footlong.
"Nakila Lola" sagot ko.
"Mag-isa ka sa inyo?" tanong ni Ezra at tumango ako.
"Gusto mo doon na lang kami" suhestiyon ni Ezra.
Tatanggi na sana ako nang magsalita si Magnus.
"Doon na lang muna kami sa inyo" sabi ni Magnus.
"Delikado" dugtong niya pa kaya tumango na lang ako.
Delikado pa rin dahil baka nandito pa ang killer.
---
Magnus
Last day nang burol ni Bliss kaya ito kami, umabsent.
"Bakit kayo naririto? May pasok kayo ah" sabi ni Tita sa amin.
"Wala naman po ginagawa Tita, saka last day na po kasi ngayon" sabi ko.
"Buti at pumunta kayo" sabi ni Tito.
"Ito oh" sabi sa amin ni Tito at inabot ang sandwich.
Nagpasalamat kami at naupo na. Nasa may bandang harapan kami at tahimik na kumakain.
"Tayo na lang apat" sabi ni Ezra.
"Sa tingin niyo ba tapos na to?" tanong ni Yara.
"Siguro" sabi ko at kumagat sa tinapay.
Napa buntong hininga na lang kami.
Tapos na ba talaga ito?
---
Ezra
Libing na ngayon ni Bliss at ito kami, todo iyak pa rin.
Nandito pa rin kami sa sementeryo kasi binisita namin ang iba naming kaibigan. Magkatabi ang puntod ni Ian at Isaiah medyo malapit lang rin naman ang kila Iris, Nate at Raelle.
"Nakakapagod na talaga tong taon na to" sabi ni Magnus at naupo sa damuhan.
"Anong balak niyo pag katapos nito?" tanong ko.
"Kung buhay pa ako."
"Baka magpolice na lang ako" sabi ni Magnus.
"Tuloy pa rin ako" sabi ni Yara.
"I guess baka mag BS Psych ako" sabi ko.
---
Maka tapos ang isang linggo pumasok na ulit kami at ito medyo nawawala na ang tensyon rito sa eskwelahan kaya nakakpag aral na kami nang ayos.
"I guess it really is done" sabi ni Yara.
"BUHAY PA KO!" malakas na sigaw ni Magnus.
"Shh" saway ko dahil pinagtinginan kami.
"Akalain mo buhay pa tayo" sabi ni Eli.
"Let's go to the mall" aya ni Yara at nagtanguan na lang kami.
***
"Ang tagal na nating hindi lumabas" sabi ko.
"Namiss ko mang buraot" sabi ni Magnus.
"Namiss ko kalokohan niyo" sabi ni Yara.
"Pero"
"Namimiss ko rin sila"
"Same" pag sang ayon namin.
"Kung kumpleto pa tayo, sana ay nag iingay tayo rito"
"Bakit nga ba nangyari ito" sabi ko.
"Hindi ko rin alam" sabi ni Yara.
"Whatever the reason is"
"I think this thing is already done" sabi ko.
"OH! Wag kayong malungkot, manlilibre na ako" sabi ni Magnus.
"Aba, for the first time Kuya" sabi ni Eli at natawa kami.
***
Yara
Nagulat ako nang marinig ang ingay at takbuhan.
Idinilat ko ang mata ko at..
Nasa school ako.
"Don't say a thing Yara" sabi ni Bliss at for some reason ay tumango ako.
Lumapit ako sa hagdanan at sumilip sa baba.
"REESE!"
Bumaba ako at tinignan ang bangkay ni Reese na hindi ko pa rin maaninag ang mukha.
"OH MY GOD!" sabi ni Bliss at umakto na parang walang alam.
Tumingin ako sa babaeng may yakap kay Reese.
Hinawi ko ang buhok na nakahara sa mukha niya pero...
"H-hindi ako makahinga" sabi ko sa babaeng sumasakal sa akin.
"Nandoon ka pero wala kang ginawa. Kaibigan ka niya Yara"
Nagsimulang magluha ang mata ko at nahihirapan na ako makahinga pero nakita ko na kung sino siya.
Iris.
"YARA! YARA! GISING!"
Napabangon ako at napahinga nang malalim.
"Binabangungot ka. Hirap na hirap ka huminga" sabi ni Ezra at inabutan ako nang tubig.
"Ano ba ang nasa panaginip mo?" tanong niya.
"Nakita ko sa panaginip ko ang nangyari kay Reese"
"Sa tingin ko ay."
"Ay?"
"Si Iris ang kakambal niya"
---
:))
BINABASA MO ANG
WHO ✔
Mystery / ThrillerCOMPLETED. A group of friends lived a quiet and peaceful life, but their lives were turned upside down when one of them died. Ghosts of a past that's forgotten keeps haunting them. The killer is among them, but the question is.. Who?