14 - Third

42 8 0
                                    

Magnus

Nang tanungin nila ako about sa tatay ko, hindi ko alam ang dapat bang maramdaman ko. Natatandaan ko lang ay bigla niya kong iniwan mag-isa. Five years ago.

Pero hindi ko alam kung ano ang dahilan. Hindi ko maalala.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na si Bliss iyon. Bakit? Ano ba ang ginawa namin.

Lunes ngayon at plano naming kausapin si Nate kaya nakaabang ako sa room nang TVL ngayon.

"Nate" tawag ko sa kanya at napatingin sa akin at bago pa man niya ako iwasan. Hinara ko na agad siya at hinatak papunta sa garden kung saan na roon sila Raelle,Yara at Ezra.

"Alam na namin" sabi ko.

"Anong plano niyo?" tanong niya sa amin.

"May naalala ka ba five years ago?" tanong ko sa kanya at natahimik naman siya.

"May naalala ka?" tanong ko.

"Hindi natin dapat ginawa iyon kay Reese" sabi ni Nate.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko at humarap sa kanya.

Nasa may garden kami kung saan ako nag cucutting. Nandito na rin sila Yara at Ezra.

"Tayo ang nagsimula nito" sabi ni Nate.

"Nagsimula nang?" tanong ni Yara.

"Tayo ang nagsimula nang laro. Yung killer killer" sabi ni Nate.

"We killed Reese" dugtong niya.

"Paano natin siya napatay eh we don't even remember her" sabi ni Ezra.

"Ayoko nang mag salita. You should do the same. " sabi ni Nate.

"So kaya ka lumalayo sa amin dahil doon?" tanong ni Raelle at tumango si Nate.

***

Raelle

Kasama na namin si Nate ngayong lunch at nagulat pa sila Iris.

"Sorry hindi ako nakakasama sa inyo. Masyadong marami lang akong iniisip ngayon" sabi ni Nate at ngumiti na lang sila Iris at Bliss.

Hala sige, plastikan tayo ganon.

"Teka bibili lang kami ni Bliss nang pagkain. Mag intay na lang kayo rito baka maagawan tayo nang spot" sabi ni Iris.

Kahit man ayaw namin maiwan si Iris mag isa kay Bliss, kailangan namin hayaan iyon para hindi siya magtaka.

Saglit lang silang dalawa kaya kami na nila Ezra at Yara ang bumili nang next. Mabilis rin kami nakabalik dahil hindi naman marami ang binili namin at sila Magnus at Nate naman na ang bumili after namin.

"Himala, hindi ka nang buburaot ngayon Magnus" sabi ko dahil nakita ko siya bumili nang lumpiang shang hai at coke.

"May pera ako ngayon" sabi ni Magnus.

Habang kumakain, nagkwekwentuhan rin kami. Nagulat lang kami nang biglang humawak si Nate sa ulo niya.

"Brain freeze?" tanong namin pero umiling lang siya.

"Nahihilo ako" sabi niya.

"Clinic tayo pre" sabi ni Magnus at inalalayan tumayo si Nate. Habang inaalalayan siya nagulat kami nang bigla siyang magsuka.

***

Ezra

"Tumawag kayo nang teacher saka nurse sa clinic" utos ni Yara at agad naman ginawa iyon ni Raelle.

Pinaupo namin si Nate at inabot naman ni Iris ang tubig ni Nate at pinainom muna siya pero mas lalo lang siya nagsuka.

"Hindi ako makahinga" sabi ni Nate at nakikita namin ang pagsubok niyang huminga nang malalim pero tuloy tuloy ang suka niya.

Buti naman at dumating ang mga teachers at yung nurse sa clinic.

"Tumawag na kami nang ambulansya. Nasaan ang magulang ni Mr. Sarmiento?" tanong nung isang teacher.

"Anong kinain mo?" tanong nung nurse kay Nate habang chinecheck ang pulse nito.

May hawak na timba si Magnus at tuloy pa rin ang suka ni Nate.

"Yung Kare-kare lang po" sagot ni Nate habang naghahabol nang hininga.

"Abnormal yung heart beat niya Ma'am" sabi nung nurse sa teacher.

"M-mam. Sumusuka na po siya nang dugo" sabi ni Iris kaya napatingin kami.

Namumula na si Nate at nagulat na lang kami nang tuluyan na siyang nagseizure at bumula ang bibig niya.

***

Killer

Mas lalo silang nagkagulo nang dugo na ang lumalabas sa bibig ni Nate. Napangiti ako nang palihim.

It's not food. It's the water.

Arsenic lang naman ang ginamit ko. Marami nga lang.

***



WHO  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon